mmsd | 11

187 13 7
                                    

Chapter 11 | Feelings

[ 11 - in which jihoon finally realized his true feelings for seungcheol. ]

~♥

9 days have passed. 9 days na walang ginawa si Jihoon kundi magsulat at magisip ng mga bagay-bagay. 9 days have passed na walang ibang nasa isip ni Jihoon kundi ang lalaking si Seungcheol. 9 days....and he's still longing for him.

9 days have passed......and he finally realized.


He finally realized kung ano nga ba ang kakaibang nararamdaman niya. The answer is so simple, and he hates himself for not accepting it nung una pa lang. Natakot lang siya.


But he promised to himself, na hindi na siya matatakot, na aaminin na niya ang lahat ng nararamdaman niya pagbalik na pagbalik niya. Sasabihin na niya na...




Mahal na mahal niya si Choi Seungcheol.



He loves his hyung way different from how he loves the others. He loves each and every thing about that guy. Lahat ng tungkol kay Choi, tanggap niya at gustong-gusto niya.



At handa na siyang ilabas lahat ng iyon.


Napapikit siya. Matagal na niyang tinatago ang mga bagay sa sarili niya, kaya ngayon, lalakasan na niya ang loob niya para sabihin na ang bagay na 'to. He is willing to bet for love. Alam niya namang hindi sigurado kung tatanggapin ni Seungcheol ang pagmamahal na 'yun o marereject siya. He have Jeonghan hyung after all.


But what's important for Jihoon is to let it all out.



Let out the reason kung bakit medyo nahihiya si Jihoon sa tuwing nandyan ang lalaki. Kung bakit kakaiba ang mga tingin niya dito, kung bakit gustong-gusto niya ang titigan ang mukha nito. Kung bakit, natutuwa siya sa simpleng pagtawag lang sa pangalan niya. Kung bakit namumula siya kapag masyado ng sweet si Seungcheol.




Every night, lalabas siya at pupunta sa rooftop ng tinutuluyan niya, habang nakatingin sa mga bituin na lagi nilang tinitingnan ng nakatatanda. Then, bigla-bigla nalang papasok sa isipan niya lahat ng mga masasasayang ala-ala nila.




'Yung pag-aalaga niya sa lalaking 'yun kapag nagkakasakit ito dahil laging nagpapagod sa praktis. 'Yung pagpipigil sa kanya ni Seungcheol na umalis sa tabi niya, 'yung pagtitig niya dito hanggang sa makatulog sila.



Naaalala niya din 'yung tunog ng tawa nila kapag nagkakatuwaan, 'yung habulan nila kapag nagkakainisan na. 'Yung bigla-bigla nalang silang maghaharutan at maglalambingan ng walang dahilan, 'yung kapag naguusap sila para bang silang dalawa lang at walang pakialam sa iba.



Naaalala niya nung mga panahong bigla-bigla na lang sumasandal si Seungcheol sa kanya, kaya naman kahit kinikilig, pinipigilan niya ang sarili niya at umakto na lang ng normal. Nung mga panahong inaakbayan siya o hinahawakan ang kamay niya ni Seungcheol, yun 'yung mga panahong napakasaya ni Jihoon.



Napapangiti nalang siya kapag pumapasok sa isip niya 'yung pagpapacute ng nakatatanda, 'yung pagkuha nito ng atensyon niya, 'yung kakaiba nitong tingin sa kanya, na kahit papano, kahit papano ay umaasa siya, kahit onti lang.



He absolutely likes it when the older shows his bright smile. 'Yung sobrang lapad na ngiti na kita 'yung gilagid nito. 'Yung ngiti na bumubuo ng malungkot o nakakapagod na araw niya. 'Yung ngiting nagpapagaan ng loob niya.



At lalo na 'yung kakulitan nito. 'Yung kunwaring pagkainis niya kapag nagpapapansin si Choi, pero ang totoo ay natutuwa siya. 'Yung pagngiti niya habang pasimpleng siyang sinusulyapan.



He really loves that guy, so damn much...




Maaaring mukhang immature o makulit ito, na totoo naman, pero may mga magagandang katangian din naman ito. Masyado siyang mabait, na inuuna niya ang kapakanan ng ibang tao bago siya. Gusto niya lahat masaya, lahat ayos. Kahit siya hindi, basta para sa grupo. 'Yung kakaibang pagmamahal niya para sa Seventeen.



Gwapo din naman ito. Sa totoo lang, siya nga ang pinakagwapo sa paningin ni Jihoon. Talented din, kaya niyang kumanta, magrap, sumayaw, at marami pang iba. Responsable naman siya, na para bang isang tunay na kuya na nakagabay sa kanyang mga nakababatang kapatid.




Cool din pala 'yung gilagid na 'yun? Napatawa nalang si Jihoon sa naisip. At napatingin nalang sa labas ng bintana ng sasakyan. Siyempre, makakalimutan niya ba?



'Yung bigla-bigla na lang na pag-rap ng nakatatanda, at 'yung pagsabay niya sa kanta nito. 'Yung sayaw nila na para bang nagkakaintindihan sila kahit hindi naguusap. 'Yung mga biglaang yakap ni Seungcheol at 'yung mga nakaw na halik nito. 'Yung mga galaw niyang ganun na pinakikilig at pinamumula si Jihoon ng walang kahirap-hirap.





Napaka-halaga ni Seungcheol para kay Jihoon. Na kahit magkaibang-magkaiba sila, tanggap 'yun ni Jihoon. Na kahit anong mangyari, mamahalin niya si Seungcheol.




And Jihoon knows, Jihoon knows, na 'yung mga dahilan at mga ala-alang pumasok sa isipan niya, lahat ng 'yun, hindi kailangan ni Jihoon para malaman niyang mahal niya si Seungcheol.




Dahil isa lang naman ang nasa isip ni Jihoon,




There are no signs needed to find out you're inlove. If it's true, you just feel it.




And he is so sure.



Lee Jihoon loves Choi Seungcheol so much.



Napatingin sa kanya ang lalaking nasa harapan niya ngayon. At huminto ang mundo niya, kasabay ng pagkabog ng dibdib niya ng sobra.

“Jihoon?”

~♥

Di ko na kaya huhuhuhuhu /kills myself

Salamat talaga sa patuloy na sumusuporta! Patapos naaaa!

Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheolWhere stories live. Discover now