mmsd | 01

454 23 14
                                    

Chapter 1 | When it started

[ 1 - in which jihoon found out the unexplainable feelings and when it started. ]

~♥

"Putangina."


Napatingin si Chan kay Jihoon na kakagising lang at tila bang ginawang mura ang simpleng "good morning".


"Hyung, ayos ka lang?" tanong ng nakababata na halata ang pagaalala sa kanyang hyung.


"Oo Chan. Uh, sige." Tumayo na si Jihoon mula sa pagkakahiga sa sofa kung saan siya nakatulog dahil sa pagod. Naglakad na siya papuntang studio niya upang ipagpatuloy ang mga hindi natapos kagabi— o sabihin na nating, kaninang madaling araw.


At hindi din naman siya nakatulog ng maayos dahil sa isang lintik na panaginip na gumulo sa kanya. Pilit niyang inaalis sa isipan ang mga bagay na 'yun pero patuloy na bumabalik sa kanya ang eksaktong nakita niya habang natutulog.



Ang mga ala-ala nila ng isang partikular na tao na mahalaga sa kanya.



Hanggang ngayon ay pinipilit niyang kalimutan kung sino ba 'yung tao na yun na pati ba naman sa panaginip niya ay ginugulo siya. Choi Seungcheol.



Pagpasok ng studio ay agad niyang ni-lock ang pinto at umupo sa kanyang swivel chair habang nagiisip-isip ng mga bagay. Ano nga bang iniisip niya? Patuloy na kinukumbinse ni Jihoon na ang mga kantang ginagawa niya ang laman ng kanyang utak. Pero hindi. Isa lang ang laman nito at iyon ay si Seungcheol.

Hindi niya alam. Pinapangako niya na hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Hindi talaga.



Umayos ka, Jihoon. Paulit-ulit niyang sinusuway ang sarili niya pero wala siyang magawa kundi magtaka sa mga nangyayari. Bakit nga ba? Bakit nga ba ganun ang nararamdaman niya?


Napatigil siya sa pagkatok ng isang nilalang sa pintuan ng kanyang studio. Tumayo siya at binuksan ito, at bumungad sa kanya ang isang taong hindi niya talaga gugustuhing makita. "S-Seungcheol hyung."



Ngumiti ito ng malapad, oo sobrang lapad na kitang-kita na ang malalaki niyang gilagid. "Jihoon. Sabi ni Chan kagigising mo lang daw at hindi ka pa kumakain kaya ito, nagaalala na kasi ako sayo.” napatingin naman siya sa inaabot sa kanya ng nakatatanda, isang paper bag. Tinanggap niya ito at inilagay sa table niya.



"Salamat hyung." Sabi niya at tumango kay Seungcheol.

"Hindi mo na ba ako papapasukin?" Tanong sa kanya ng lalaki at kinabahan naman si Jihoon.


"A-ah. May gagawin pa kasi ako hyung eh." Nanginginig niyang sagot, puta ayaw kong makasama ka. May kung ano akong nararamdaman kapag nandyan ka eh.



"A-ah. Hehe. S-sige, alis na ako." Nakangiting sabi ni Seungcheol bago tumalikod para umalis. Ngunit agad din itong lumingon ulit ng nakangisi na ipinagtaka ni Jihoon, "Nga pala, wag mo naman sanang gawing 'good morning' ang 'putangina'."


Malakas niyang isinira ang pinto bago pa masilayan ng kanyang hyung ang pamumula ng mukha niya. Tangina, pati ba yun sinabi ni Chan sa kanya?!


Bumuntong-hininga siya at bumalik sa pwesto. Siguro nga kailangan na niyang pagisipan ang mga pangyayaring 'to. Hindi na kasi normal.


Tama, hindi na talaga normal ang bigla-bigla nalang pagkabog ng dibdib niya kapag nandyan si Seungcheol. Ang di niya malamang pakiramdam kapag kasama ang nakakatanda. Yung hindi niya maiwasang mamula kapag nahuhuli niyang nakatingin o nakangiti siya sa kanya. Yung bigla-bigla na lang niyang naiisip ang taong iyon at eto, yung napapaginipan niya si Choi.


Ano nga bang ibig sabihin nito?



Tanga na kung tanga pero pinipilit niyang hindi iyon intindihin dahil natatakot siya. Bibigyan niya pa ito ng oras para mas maintindihan niya.


Ay, tanga nga.


Kung pwede lang pumasok sa isipan niya at sabihin sa kanya ang totoong nangyayari, matagal ko ng ginawa. Pero siyempre, hindi ko gagawin dahil masisira ang storya.


Napatingin si Jihoon sa pagkain na nasa mesa niya at hindi niya alam ang mararamdaman niya. Putangina, ano ba talaga ang dapat maramdaman niya? Natutuwa? Oo, natutuwa siya pero...kinakabahan din. Dahil hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang saya niya sa pagaalala ng hyung niya sa kanya.


Kailan nga ba nagsimula 'tong nararamdamang niyang 'to? Ah, nung mga panahon na malapit pa sila ni Seungcheol, masaya siya sa bawat segundo na magkasama sila. At nung nagdebut na sila, nung nagsimula na silang maging abala at hindi na sila masyadong malapit, nangungulila si Jihoon sa presensya niya.


Ah, oo nga pala. Dun nga pala nagsimula 'yun.



Baliw na nga talaga siya. Meron na yata siyang sakit sa utak. Ang kinakatakutan niya.


Pagkagusto sa isang tao.

~♥

Hihi. How's chapter 1?

Sana nagustuhan niyo :)

Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheolWhere stories live. Discover now