mmsd | 02

347 14 9
                                    


Chapter 2 | Understand

[ 2 - in which seungcheol tries to understand his unexplainable feelings for the younger. ]

~♥

Mabilis isinara ni Jihoon ang pinto habang patuloy na nakatayo si Seungcheol sa harap nito. Napangiti siya, namula ba si Jihoon? Natutuwa siya habang iniisip ang namumulang mukha ng nakababata bago niya subukang itago ito. Totoo nga.

Seungcheol let out a chuckle bago siya umalis sa harap ng studio ng kamiyembro. Wala sa sarili siyang naglalakad papunta sa kanilang garden kung saan wala siyang nadatnang tao. Umupo siya sa isa sa mga bench dun at nagsimula na namang magisip ng malalim.

Sa totoo lang ay hindi naman galing kay Chan ang lahat ng mga impormasyon na nakuha niya. At hindi niya din alam kung saan o kanino galing. Ang alam niya lang ay napaginipan niya na nagising si Jihoon sa sofa nila kaya tinanong niya ito kay Chan. Nakwento naman ni Chan yung tungkol sa "putangina". Natatawa pa rin siya habang naaalala.

At dahil kilala niya ang nakababata, alam niya na hindi pa ito kumakain dahil napuyat ito kakatapos ng mga kanta nila. Tama, kilalang-kilala niya si Jihoon. Napatingin siya sa kalangitan, at unti-unting bumabalik ang mga ala-ala nilang dalawa nung mga panahon na malapit pa sila sa isa't isa.

Matagal na pala 'yun. At ibang-iba na sila ngayon. Ibang-iba na. Pumikit si Seungcheol at pilit na iniintindi ang kalagayan nila ngayon. Masyado na silang busy na para bang may sari-sarili na silang mundo. Para bang nakalimutan na ni Jihoon ang pinagsamahan nila ng nakatatanda.

Pero kahit anong klaseng pagpapaintindi ni Seungcheol sa sarili niya ay hindi niya maiwasang magtaka. Bakit yung ibang kasamahan nila ay malapit pa rin kay Jihoon? Bakit parang lumalayo ng kusa sa kanya ang nakababata? Bakit parang hindi niya matagalan na nandyan si Seungcheol? Bakit? Bakit may ganito siyang nararamdaman?

"Hyung?" Napatingin si Seungcheol nang biglang magsalita si Chan sa gilid niya, "Ayos ka lang?"

Nginitian niya naman ito at tumango nalang. Nagtaka siya nang mapailing ang bata. "Hayst. Parehas talaga kayo ni Jihoon hyung. Laging lutang." Sabi nito bago umalis sa garden.

Hindi niya alam pero bigla-bigla nalang siyang napangiti sa sinabing iyon ng nakababata. Hindi niya alam pero natutuwa siya sa nalaman niya na parehas sila ni Jihoon. Hindi niya alam pero masaya siya na may pagkakaparehas pa pala sila, negatibo nga lang.

Parehas din kaya kami ng kakaibang nararamdaman?

Natawa si Seungcheol sa sarili niyang tanong. Bakit nga ba siya nagiisip ng ganyan kung hindi niya pa alam at hindi niya pa gaanong naiintindihan kung bakit nga ba nagkakaganito siya. Bakit nga ba?

Ay puta, The Bakit List.

Ano nga ba itong kakaibang nararamdaman niya? Simple lang, bigla-bigla nalang siyang mapapangiti kapag naririnig o naalala ang pangalan na "Lee Jihoon". Nakakagulat pero bigla-bigla nalang itong lumilitaw sa isipan niya at napapaginipan pa.

Ang pandak na cute na yun talaga. Nakangiting sabi niya sa sarili habang nakikita na naman niya sa kanyang isip ang nakababata. Wala na talaga siyang pag-asa na matanggal pa sa buhay niya ang taong iyon. Wala na talaga.

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin, hindi pa rin talaga, malinaw sa kanya kung bakit nangyayari yun. Pilit sinasabi ni Seungcheol sa kanyang sarili na hindi niya talaga alam kung bakit. Na hindi niya talaga maintindihan.

Pilit niyang itinatanggi ang katotohanan dahil natatakot siya.

Tanginang takot yan.

Takot tungkol sa kakaiba niyang nararamdaman. Pero tila bang may tumutulak sa kanya na intindihin, intindihin hanggang sa maintindihan niya ang nararamdaman niyang iyon.

Hanggang sa maintindihan niya ang katotohanan.

"Hyung." Napatingin siya sa taong nagsalita at nagulat nang makitang si Jihoon ito. Biglang siyang kinabahan sa di malamang dahilan at napatayo nalang.

"J-Jihoon. Bakit?" Tanong niya sabay bigay ng nakakailang na ngiti. Umiwas naman ng tingin si Jihoon at napatingin sa loob ng dorm nila.

"A-ano kasi...pinapasundo ka na nila sa akin dahil k-kakain na daw tayo ng tanghalian..." sagot naman nito at saglit na tumingin sa kanya. Kaya lang ay agad din itong umiwas.

"A-ah sige. Susunod nalang ako." Nakangiting sabi niya na tinanguan lang ng nakababata bago umalis.

Gago talaga yung mga yun. Si Jihoon pa talaga ang pinasundo.

Napahawak siya sa kanyang kaliwang dibdib, kung saan matatagpuan ang isang bagay na sobrang lakas ng kabog. Tama, kapag nandyan ang taong iyon na itago nalang natin sa pangalang Jihoon, bigla-bigla nalang bumibilis ang kabog ng puso niya.

Napangiti si Seungcheol nang maintindihan na sa wakas ang nangyayari.

May gusto na nga ata siya.

~♥

wahhhh ()_() dapat kaninang umaga pa 'tong update! kaya lang....kaya lang *cries* nagulat ako nawala na yung draft ko! huhuhuhuhu bakit ganon?

hayst. pero at least, nakagawa agad akooo. enjoy! ^^ sana magustuhan niyo ヽ(^。^)ノ

dedicated to: divabooisharthart

Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheolWhere stories live. Discover now