mmsd | 04

222 17 8
                                    

Chapter 4 | Confused

[ 4 - in which seungcheol is confused of what's happening to him because of the younger. ]

~♥

"JIHOON!"

Seungcheol's world stopped as he saw Jihoon fell on the floor. He swear, he swear, his heart beats faster at unti-unti siyang kinain ng guilt. Siya ang unang tumakbo papunta kay Jihoon at binuhat ito papuntang kwarto.

"Shit shit shit. Ang taas ng lagnat mo!" Hindi mapakaling sabi ni Seungcheol bago nagmamadaling inasikaso si Jihoon.

Nang matapos niyang alagaan ito ay nanatili lang siya sa tabi ng nakababata habang nakatingin lang ng mabuti sa mukha nito, "Sorry, Jihoonie."

Bakit nga ba siya nagalit ng ganun?

Unti-unting inalala ni Seungcheol ang nangyari kagabi na naging dahilan kung bakit ganun nalang ang galit niya kanina nung nalate si Jihoon.


+ flashback +

Nagising si Seungcheol sa gitna ng gabi at pumunta sa sala para uminom ng tubig. Pagkatapos ay babalik na sana siya ng kwarto nang mapansin niyang bukas pa ang ilaw sa studio ni Jihoon.

Dahan-dahan siyang lumapit dito at nakitang bukas ang pinto nito. Sumilip siya sa kaunting bukas ng pinto at tahimik na tiningnan ang ginagawa ng nakababata.

"–sige. Akong bahala, Yoongi hyung." Nakangiting sabi nito at tumawa pa. "Salamat talaga hyung." Huling sabi nito bago pinatay ang tawag.

May kung anong naramdaman si Seungcheol. Bihira siyang tawagin ni Jihoon ng 'hyung' kaya naman para bang naiingit siya. Shet, inggit ba tawag dun?


Nakita niya lang naman kung gano kasaya si Jihoon habang kausap si Yoongi hyung. Wow, hindi niya napapangiti si Jihoon ng ganun sa simpleng usapan lang. [ hindi nga ba? ].

Napailing nalang siya at tuluyan nang bumalik sa kwarto. Anong oras na, at hindi pa natutulog ang nakababata habang kaharap ang mga kantang ginagawa niya. Tapos, may time pa siyang makipagusap ng ganun?

' Kapag talaga siya wala sa practice mamaya. ' naiisip na sabi niya sa sarili at para bang babaeng nagtatampo, ' Bahala iyang malate. Tsk. '

+ end of flashback +

Sinuklay ni Seungcheol ang harapan na buhok ni Jihoon at nginitian ito. "Sorry ah?" Muling ulit nito at patuloy lang na tiningnan ang nakababata.

Isang mukhang hindi niya pagsisisihan at pagsasawaang titigan.

Napabuntong-hininga nalang siya. Sa totoo lang, hindi niya alam kung bakit naging ganun ang reaksyon niya. Naiinis lang naman siya dahil sa nasaksihan niya kagabi...pero bakit nga ba?


Naguguluhan na talaga siya. Mas lumalala pa ang mga nararamdaman niya noon.


Naramdaman ni Seungcheol na gumalaw si Jihoon kaya agad siyang napatingin dito. Nang makita niyang bukas na ang mga mata nito ay mas lalo niya itong nilapitan at hindi niya maipaliwanag ang saya na nagising na ito.


Para bang matagal na nawala si Jihoon sa kanya at hinihiling niya na bumalik na ito.


"Ji..." Napatingin naman sa kanya ang nakababata nang tawagin niya ito, "Ayos ka na ba?" Hindi kampante nitong tanong na para bang kinakabahan sa presensya ni Jihoon.


Hindi siya sinagot nito, bagkus ay tiningnan lang siya. Kinabahan naman si Seungcheol, galit kaya siya? Sabi niya sa sarili at iniwasan ang tingin ni Jihoon.

"Jihoon.." Mahinang tawag niya sa pangalan ng taong nasa harap niya ngayon, ang taong nagbibigay sa kanya ng kakaibang nararamdaman, "Pasensya na kanina." Napayuko siya ng bahagya.


"Hyung."

Napatingin naman siya at nakita ni Jihoon na paluha na ito. Ngumiti siya ng maliit sa nakatatanda. "Ayos lang ako. Pasensya na din kanina."


Umiling-iling naman si Seungcheol, "Ako ang may kasalanan. Pasensya na kung nagalit ako sa mababaw na dahilan. Hindi ko sinasadya Ji." Pagpapaliwanag nito at ngumiti na din ng kaunti.

"Okay lang hyung." Nakangiting sabi ni Jihoon habang nakatingin ng diretso sa kanya, "Pero bakit ka nagkaganun kanina?" Takang tanong nito.

Puta. Anong isasagot ko?

"A-ah ano... Medyo... M-medyo badmood lang ako kanina." Nauutal na sabi niya habang iniiwas ang tingin. Tumango-tango naman si Jihoon. "Pasensya na kung sayo ko nalabas yung galit ko ah?"

"Ayos lang."

"Ah sige. Magpahinga ka muna." Suhestyon ni Seungcheol bago tumayo at nginitian ang nakababata, "Mukha ka talagang pagod na pagod eh."


"Salamat, Cheol." Para bang may kung anong nangyari kay Seungcheol nang banggitin ni Jihoon ang pangalan niya sa inaantok na tono. "Nga pala," napatingin naman siya dito.


"Tumawag si Yoongi hyung sa akin kagabi, at ginoodluck tayo sa bago nating album. Pagbutihan daw natin." Nakangiting sabi sa kanya ni Jihoon. "At nagcompose lang ako ng mga bago nating kanta kagabi. Pangako."

Bigla namang namula si Seungcheol kaya tumango nalang ito at nagpaalam na bago nagmamadaling lumabas.


Shet. Bakit ba kasi pinagisipan niya ng kung ano si Jihoon?


Pero sa di malamang dahilan, para bang masaya siya sa nalaman.

Naguguluhan na talaga siya.

~♥

Eyy.

Sorry kung pangit. Sana nagustuhan niyo [ kung meron pang nagbabasa nito ] .

Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheolWhere stories live. Discover now