epilogue

251 12 9
                                    

EPILOGUE

~♥

"Kailangan ko talaga ng tulong niyo guys!"



Nagulat ang mga kasama ni Jihoon nang humingi ito ng tulong sa kanila para mag-isip ng ireregalo sa kasintahan. Espesyal kasi ang araw na ito ngayon at magkikita sila mamaya ni Seungcheol para magcelebrate.



Ano nga bang meron? Di ko din alam eh.



"Seriously Ji? Eh halos lahat na naman naregalo mo na 'dun eh." Sagot naman ni Seokmin habang nagiisip pa rin para makatulong sa kaibigan.




"Pero..." 'Yan nalang ang tanging nasagot ni Jihoon dahil parang lumungkot ito. Naalarma naman ang mga kaibigan niya kaya nagisip agad sila ng maaaring iregalo kay Seungcheol.





Pero tama naman kasi si Seokmin, halos lahat na ng bagay nabigay na ni Jihoon kay Seungcheol kaya mahirap ng magisip ng panibagong ireregalo niya dito. Well, at least there is one thing na si Jihoon mismo ang nakaisip. Sinabi niya agad ito sa mga kaibigan at agad silang sumang-ayon. Kaya naman agad-agad silang umalis para maghanap.





"Eto oh, Ji. Maganda 'to." Suhestiyon ni Minghao sabay pakita ng hawak niya. May pinakita din si Jeonghan, Seokmin, Seungkwan at Mingyu sa kanya. Pero hindi naramdaman ni Jihoon na iyon ang dapat niyang bilhin. Kaya nagpatuloy siya sa paghahanap.





Hanggang sa may nakita siyang umagaw sa kanyang atensyon, at napangiti siya dahil sigurado siyang babagay iyon kay Seungcheol, "Ahm, miss? Ito nga." Sabay turo niya 'dun sa nagustuhan niya.






"Ah, sir. Wala na po 'yang kapares. Ayos lang po sa inyo?" Napaisip naman si Jihoon pero agad ding tumango. Ayos lang kahit si Seungcheol nalang ang may ganyan. Sabi niya sa sarili at binili na nga iyon.




Sakto namang nakatanggap siya ng text mula sa kanyang pinakamamahal.



From: Bby Cheol ko ♡

Bby? Mamaya ah? 11 p.m. sharp sa park. Kita nalang tayo, ingat ka.

I love you bby hoon ko ♡ :*

Received: 5:19 p.m.




Napangiti naman si Jihoon sa nabasa at agad itong nireplyan.



To: Bby Cheol ko ♡

Opo bby. Ingat ka din, kita nalang po tayo.

I love you too bby cheol ko ♡ :*

Sent: 5:20 p.m.




Niyaya na niya ang mga kaibigan at agad na silang umuwi para makapaghanda.


∞♡



It's already 10:50 at nasa park na si Jihoon, waiting for Seungcheol. Talagang inagahan niya dahil ayaw niyang paghintayin ang kasinatahan. Agad naman niyang kinuha ang cellphone niya nang tumunog ito.



1 new message from Bby Cheol ko ♡

From: Bby Cheol ko ♡

Jihoon? Sorry di ako makakapunta. May inaasikaso kasi ako eh.

Received: 10:53 p.m.




Pagkabasa palang ng message ay parang paiyak na agad si Jihoon. Naiinis siya pero at the same time, nalulungkot din. Nakalimutan ba niya na napakahalaga ng okasyon ngayon? Tahimik nalang siyang umuwi sa kanila at pinipigilan ang luha sa kanyang mga mata.






Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon