mmsd | 12

228 22 29
                                    

Chapter 12 | Confession

[ 12 - in which they decided to confess their real feelings for each other. ]

~♥

"Seungcheol? Gising ka pa pala? Gabi na ah."

Seungcheol's world stopped. And his heart skipped a beat. He turned around, finding the man he's been dying to see and he's missing so much.

"Jihoon?"


What happened to the older also happened to Jihoon. Hearing his name coming from the guy he wanted to see and he's been longing.


Teka, tama na nga muna english—

"B-bumalik ka na pala." Wala ng maisip si Seungcheol na mga salitang sasabihin kundi 'yan. What a lie. Alam niya sa sarili niyang marami siyang dapat sabihin, pero hindi niya inaasahang ngayon na.


"A-ah oo. Natapos ko na din kasi 'yung mga kanta." Sagot naman ni Jihoon na kinakabahan na rin. Sa totoo lang, hindi din niya pinaghandaan 'to. Dahil ang akala niya ay bukas pa sila magkikita. Well, wala na siyang magagawa kahit hindi pa siya handa.


Tumango lang si Seungcheol at nilamon na naman sila ng katahimikan. Nasa garden sila ngayon, nakatayo habang nakaharap sa isa't-isa, naghahanap ng mga salitang maaaring sabihin, o di kaya paraan para makapagtapat na.


"M-may sasabihin sana ako sa'yo / M-may kailangan kang malaman." Sabay nilang sabi, na naging dahilan para di sila magkaintindihan. Tumawa sila ng bahagya at nilamon na naman ng awkwardness.



"A-ah, may sasabihin ka ba?" Tanong ni Seungcheol, na nagipon ng lakas ng loob para simulan na ang paguusap nila. Well, he can't think of any other time, magandang magtapat ngayon. Pero wala siyang maisip na magandang lugar, "G-gusto mo, ngayon na tayo magusap? May kailangan din kasi akong sabihin."



Kinabahan din naman si Jihoon, eto na ba 'yun? Ngayon ko na ba aaminin? At ano naman 'yung sasabihin niya? Baka tungkol na naman kay Jeonghan hyung? "U-uhmm, sige hyung. Sa r-rooftop gusto mo?" Well, wala ng mas gagandang lugar na makapagusap ng maayos kundi ang lugar kung saan lagi silang magkasama.....noon.



Pumayag naman si Seungcheol sa ideya at pinasok muna ni Jihoon ang gamit niya sa loob bago sila sabay na umakyat. Bumungad naman sa kanila ang napakagandang tanawin, maraming bituin sa langit at maliwanag ang buwan.


Ang sarap umamin. Hayst.

Umupo ang dalawa sa usual spot nila, sa dulo ng rooftop habang sabay na tumingin sa langit, "Ang ganda." Pamamangha nilang dalawa. Napatingin naman sila sa isa't-isa at napangiti nalang.


"S-so? Ano 'yung sasabihin mo Seungcheol?" Tanong ni Jihoon. Kung tungkol ito kay Jeonghan, baka hindi na umamin si Jihoon. Dahil, para saan pa diba?


"G-gusto mo bang mauna?" Tanong naman ni Seungcheol. Kinakabahan din siya. Dahil baka hindi matanggap ng nakababata ang nararamdaman niya. At hindi din niya alam ang sasabihin nito.


"Ah, i-ikaw na Cheol." Pilit na ngiting sabi ni Jihoon. Awkward pa rin sila sa isa't-isa, siguro ay dahil matagal-tagal na rin silang hindi nakakapag-usap. Matagal-tagal na din silang hindi nagkakasama ng sila lang. Kaya normal lang iyon.


"O-okay." Seungcheol started. Sa isip niya ay nagdadasal na siya sa lahat ng anghel, santo at Diyos sa langit kagaya ng pinayo sa kanya ni Jisoo, at halos lahat ng lakas ng loob na meron siya sa buhay niya ay iniipon na niya.



Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon