mmsd | 08

217 13 8
                                    


Chapter 8 | Missed

[ 8 - in which seungcheol missed the younger a lot. ]

~♥


Ilang taon na ang nakalipas at marami ng nagbago. Sa Seventeen, sa mga miyembro nito at sa mga buhay nila. Hindi pa rin napuputol ang ugnayan nila, pero masasabing hindi na sila tulad ng dati, lalo na't kulang na sila ngayon.



Pero siyempre, biro lang. Dahil 'di ko hahayaang mangyari 'yun.




Nagising si Seungcheol dahil sa ingay ng mga kasama niya sa bahay. Kaya naman, napilitan na siyang bumangon at tingnan kung anong nangyayari. Bumungad sa kanya si Jeonghan, na balak na atang gisingin siya, habang may nagaalalang mukha.




"Cheol! Buti gising ka na." Kinakabahang sabi ni Jeonghan na parang nagmamadali, "Bumangon ka na bilis! Tumakas lang ako para magising ka at maabutan mo pa siya!"





Para bang kinabahan si Seungcheol sa sinabi ni Jeonghan kaya naman agad siyang bumangon at sumunod rito. Napunta siya sa garden, kung saan nandun ng buong grupo, napapaligiran ang isang taong napakahalaga sa kanya.




"J-Jihoon?" Napatingin ang lahat sa kanya, pati na din ang taong tinawag niya. Para bang gulat na gulat sila at medyo sinamaan ng tingin ni Jisoo si Jeonghan na nasa tabi niya ngayon.




"H-hyung." Kinakabahang sabi ni Jihoon at napalunok ng lumapit sa kanya ang nakatatanda. "U-uhm."




Napansin ni Seungcheol na medyo nakaayos si Jihoon. Nakasuot siya ng sweater, jeans at may dalang maleta. Kinabahan naman siya sa naisip, "J-Jihoon." Muling pagtawag niya dito, "Aalis ka ba?"




Sana hindi...wag Ji, wag ka namang umalis...wag mo naman kaming iwan...wag mo naman akong iwan....




"A-ah oo, Seungcheol." Sagot nito habang nakangiti ng hindi sigurado. Dahil sa sinabi niya ay para bang gumuho ang mundo ni Cheol, "2 weeks akong mawawala, may naginvite kasi sa aking grupo para magcompose at produce, at kailangan nila ako 'dun."



Napayuko ng bahagya si Seungcheol, "P-pumayag ang management?" Dahan-dahang tumango si Jihoon. Mas nalungkot ang nakatatanda. Napatingin naman siya kay Jeonghan na bagsak din ang mukha din.



Sino ba namang hindi, kung aalis si Lee Jihoon, ang taong mahalaga sa kanya?




"Jihoon. May s-sabihin sana a-ako eh." Napagdesisyunan na niya na sasabihin na niya ang totoo, dahil matagal-tagal ang 2 linggo na hindi makakasama, makakausap o makikita man lang ang taong pinakamamahal niya.





"Pasensya na. N-nagmamadali na kasi ako." Ngumiti ito ng kaunti at tumalikod na, "Paalam muna." Huling sabi nito at tuluyan ng umalis.


Naiwan na lang si Seungcheol na nakatayo at nakatingin. Well, he just let a chance slip. And he just made himself suffer more.



As if two weeks is that short for him.


"C-cheol." Mahinang sabi ni Jeonghan na ngayon ay nasa tabi na niya at hinahagod ang likod niya. Hindi na lang siya sumagot at nagmamadaling pumunta sa rooftop.


Tangina mo talaga Seungcheol. Napaka-gago mo talaga.





'Yan lang ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili. Kung sana, sinabi niya lang agad. Kung sana, hindi na niya iniwasan si Jihoon. Kung sana, kung sana kaya niyang ibalik ang panahon.





"Hindi naman ganun katagal ang 2 weeks." Napatingin siya sa nagsalita, at nakita ang isang taong hindi niya aakalaing nandito, nakatayo habang dinadama ang hangin at tila ba nakangiti ng malungkot, "Walang magagawa ang pagmumukmok mo. Grab your chance once he came back."





"Two weeks without him, for me is hell." Yun nalang ang nasagot ni Seungcheol. Pero, tama din naman ang point nung isa, "But, you're right. Baka nga walang magagawa ang pagmumukmok ko. I'll tell him pagdating niya."




Nginitian siya nito at binalik niya naman ng ngiti, "Thanks, Jisoo." Pagpapasalamat niya bago siya iwan ng lalaki. Tama, dapat pagisipan na niya ang nararamdaman nang masabi niya kay Jihoon ang mga ito pagbalik, yung sigurado at totoong-totoo.





"Seungcheol hyung! Kakain na tayo!" Narinig niya ang boses ni Chan mula sa kusina. Kaya naman, agad na tumayo si Seungcheol at pumunta dito.



"Hyung, buti naman lumabas ka na. Nako, natutulad ka na kay Jihoon hyung eh." Medyo naka-pout na sabi ni Chan kaya naman nginitian niya lang ito.


Lumipas na ang isang linggo pero para bang napahabang panahon ang dumaan na hindi niya nakikita, naririnig at nakakasama si Jihoon. Para bang araw-araw siyang pinapatay pero wala siyang magagawa. Ilang araw na din siyang busy sa pagaayos sa susunod nilang album, pero ang totoo ay ginagawa niya lang ito para madistract siya at maibsan ang sakit na nararamdaman.



Pero, wala din siyang magagawa dahil ganun pa rin. Namimiss niya pa rin ang isang pandak na lalaking itago nalang natin sa pangalang Lee Jihoon.



Matapos kumain ay agad siyang bumalik ulit sa studio ni Jihoon, kung saan siya laging naroroon. Bumalik ka na, Ji.


He just sighed, he really misses him.


And, this is the last sign he needs.

~♥

Uggh, nahirapan ako dito :( hindi na talaga umaandar ang utak ko hahaha.

So yeah, thanks again!

Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheolWhere stories live. Discover now