mmsd | 03

269 14 15
                                    


Chapter 3 | Misunderstanding

[ 3 - in which jihoon had a misunderstanding with the older and was sulking. ]

~♥

Jihoon is ready to sleep that morning. Madaling-araw na at katatapos niya lang sa mga kantang ginawa niya para sa grupo. Pagod na talaga siya at gusto ng pumikit ng kanyang mata kaya naman pinilit niya itong tapusin upang makapagpahinga na.

"Finally." Jihoon sighed as he slowly approached the sofa in the studio. Sa wakas talaga at makakapagpahinga na siya. Humiga na siya at tuluyan nang ipinikit ang mga mata. Matutulog na talaga siya.

. . . . .

Ring . . . Ring . . . Ring . . .

"Ay letse."

Napatingin si Jihoon sa cellphone niya para makita kung sino ang tumatawag. Nang makita niya ito ay napairap nalang siya at pumikit muli.

ring . . . ring . . . ring . . .

Hindi ito pinansin ni Jihoon at minute nalang ng cellphone niya. Langya naman kasi, gusto niya lang naman matulog! Ano bang problema nila dun?!

Patuloy sa pag-ring at pag-vibrate ang cellphone niya. Kaya di naman nakapagtataka kung maya-maya ay padabog na niya itong sinagot.

"Putangina mo sagad."

"Grabe. Gandang pambungad hyung ah! Ako na nga itong nagbubuwis ng buhay ko para tawagan ka eh HUHUHUHUHU."

"Tangina mo pa rin Seokmin. Ano bang kailangan mo?!"

"Hyung. Alam mo ba kung anong araw ngayon?"

"Aba't— anong tingin mo sakin, TANGA?!"

"Oo, kay Seungc— este, sagutin mo nalang kasi!"

"Tsk. Sabado ngayon."

"At anong oras na hyung?"

"6:30 a.m."

"Wala ka bang naaalala na gagawin natin ngayon hyung?"

"Ano bang sinasabi mo? Wala nam— the fuck."

"Naaalala mo na hyung? Bilisan mo kasi halos patayin na ako ni Seungcheol hyung dito huhuhuhuhuhu."

"Shet! May praktis pala ngayon! Sige, sige! Papunta na ako!" Gulat na sabi ni Jihoon bago pinatay ang tawag at nagmadaling kumilos para maghanda sa practice nila ngayon para sa bagong album.

Putangina. Putangina talaga. 'Yan lang ang nasa isip niya habang kumikilos. Nakalimutan niya, okay?! Nawala talaga sa isip niya na may practice sila ngayon at kailangang kompleto sila 'dun. Isa pa, pagod na pagod na siya sa pagco-compose ng kanta.

Dapat naman talaga akong magpahinga.

Pero, heto siya ngayon, naghahanda kahit na masakit ang katawan at ulo niya. Nang matapos maghanda ay agad siyang lumabas ng studio para pumunta sa practice room nila.

Shit shit shit. Wini-wish nalang ni Jihoon na sana naman hindi badtrip si Seungcheol para naman hindi siya mapaginitan nito. Napansin niya naman na mas sumasakit ang ulo niya pero hindi niya ito pinansin.

Nagmamadali siyang pumasok sa practice room at nakita ang iba pang miyembro na nagsisimula ng mag-choreograph sa pangunguna ni Soonyoung. Saglit silang nagpahinga kaya naman lumapit agad sa kanya si Chan.

"Hyung! Buti nandito ka na." Napatingin siya kay Chan na mukhang pagod at kinakabahan, "Parang beastmode si Seungcheol hyung eh."

Bigla naman siyang kinabahan. Tungunu patay ako nito. Sabi ni Jihoon sa sarili at pasimpleng tumingin sa leader....... na pinagsisihan niya.

Dahil nakatingin din ito sa kanya ng matalim at para bang galit.

Shit Jihoon. Wala kang kawala.

Dahan-dahang lumapit sa kanya si Seungcheol kaya naman umalis na si Chan at naiwan silang dalawa, "H-hyung."

"Bakit ngayon ka lang?" Halos mapatalon si Jihoon sa boses ni Seungcheol. Para bang galit na galit ito base sa talim ng titig niya at tono ng boses niya.

"A-ah..nawala kasi sa isip ko.." Sagot niya at iniwas ang mata na wari ba'y kinakabahan. Sino ba namang hindi kakabahan kung kasalukuyang seryoso ang kanilang leader ngayon?

"Nawala? Bakit? Ano bang ibang nasa isip mo Jihoon?" Sabi ng nakatatanda at mas pinaliit ang mata na nakatutok sa nakakabata.

"H-hyung?...napuyat kasi ako..." Muling sagot niya at tumingin sa nakatatanda.

"Ah napuyat ka? Bakit? Ano bang ginawa mo kagabi?" Natahimik siya at tila ba hindi na nagugustuhan ang sinasabi ni Seungcheol pero mas nagulat siya sa susunod na sinabi nito, "Mabuti pa umuwi ka nalang."

Mas lalo atang sumakit ang ulo niya dahil sa mga narinig. Hindi naman ganito magalit si Seungcheol kapag may late. At kahit beastmode siya, hindi naman umaabot sa hindi na niya pagp-practice-in yung nalate. So, bakit ginagawa niya 'to kay Jihoon?

"Hyung, tinatapos ko yu—"

"Umuwi ka na sabe Jihoon!" Napatingin ang lahat sa kanilang dalawa nang medyo tumaas na ang boses ni Seungcheol. Lumapit na sina Seungkwan, Jeonghan, Jisoo at Soonyoung para awatin sila.

Pero tangina, napuno na si Jihoon.

Tinapos niya lang naman ng mga kanta nila, ano bang problema nito? Ni hindi niya nga pinakinggan ang dahilan ni Jihoon kaya siya napuyat eh. Tas ngayon, pinapauwi na niya ito?

Naglakad na si Jihoon, pero bigla itong tumingin ulit kay Seungcheol, "Tangina mo nga pala. Sana sinabi mo agad na di mo ko kailangan dito." Sabi ni Jihoon bago lumabas ng practice room.

Pero, hindi pa siya nakakalabas ay bigla na siyang nawalan ng malay.


"JIHOON!"


~♥

Huhuhuhuhu. Ang tagal ko palang di nag-update.

Sorry guys, kung may nagaantay man nito. dedicated, by the way, to: iyanaise

Hope you like it!

Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheolUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum