mmsd | 07

225 17 20
                                    

Chapter 7 | Jealousy

[ 7 - in which jihoon is jealous of seeing seungcheol happy, sweet or being with other members. ]


~♥



Putangina. Para bang gumuho lalo ang mundo ni Jihoon nang subuan ni Seungcheol si Jeonghan. Putangina, sa harap ko talaga? Napapikit nalang siya. Ano nga bang karapatan niya?





Bakit pa ba kasi ako tumitingin?






He's freaking holding himself dahil baka maitapon niya sa mukha ng dalawang 'to ang kinakain niya ngayon. At dahil nga di na niya kayanin, ay agad siyang nagpaaalam at umalis na papunta sa pinakamalapit na park.





Halos puro mura lang ang nasa isip ni Jihoon habang pinipilit alisin ang senaryong nakita kanina. Nang makarating sa isang park ay agad siyang umupo sa isang bench na nasa ilalim ng puno.





Jihoon tried stopping his tears from falling.







Note the word, tried. Hindi na niya napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng mga ito. At hindi na niya mapigilan ang paulit-ulit na pagkawasak ng kanyang puso.






Akala niya, akala niya mawawala na yung nararamdaman niya kapag iniwasan niya si Seungcheol.






Pero hindi, dahil paulit-ulit siyang pinapatay kapag nakikita si Seungcheol na masayang kasama ang iba at siya naman ay nakatingin lang sa malayo.





Lecheng pag-ibig kasi.






Mas lalo lang siyang naguguluhan sa nararamdaman habang tumatagal at hindi na niya kaya.






"Ang sakit, noh?" Napatigil siyang nang marinig ang boses ng isang tao na nasa tabi na niya ngayon, "Ilabas mo na lahat, Ji. Mas bibigat kapag itatago mo pa."






Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi ng kaibigan. Tangina ka talaga Jisoo. Patuloy lang ang pagtulo ng luha niya at paghikbi nang maramdaman niyang niyakap siya ni Jisoo at hinagod ang likod niya.






"Mahal na mahal mo talaga siya?" Tanong ni Jisoo habang patuloy siyang pinapatahan.






"H-hmm." Yun nalang ang nasagot niya at bumitaw na sa yakap, "Ikaw naman. M-mahal na mahal mo din si Han."






Napangiti ng mapakla ang nakatatanda, "Oo naman."






Bigla silang tumahimik. At dahil walang ibang tao sa park, ang ihip lang ng hangin at galaw ng dahon ang maririnig. Parehas lang silang nakatingin sa kalangitan na ngayon ay wala masyadong ulap.








"Kung maibabalik ko lang ang dati, Ji." Nagulat naman si Jihoon sa sinabi ni Jisoo. "Sana...sana ganun pa rin kami ni Jeonghan."








Napakurap siya. Alam niya naman na parehas lang sila ng pinagdadaanan nito. Matalik na magkaibigan din sina Jisoo at Jeonghan dati. Pero ngayon, mas madalas ng kasama ni Jeonghan si Seungcheol.






Ang sakit diba?






Umuwi na rin sina Jihoon at Jisoo nang papadilim na. At para bang pinagsisihan niyang umuwi pa siya dahil hindi niya na naman nagustuhan ang naabutan niya.






"Cheollie~ sa'kin yan." Malambing ang boses ni Jeonghan habang inaagaw ang coke na nasa mga kamay ni Seungcheol ngayon. Napapayakap na tuloy sila.





Tangina naman.




"Eh. Sa akin nalang, Hannie~" sagot naman ni Seungcheol at ininuman na ito. Wala namang nagawa si Jeonghan kaya nginitian nalang niya ito.






Tangina times two.





Napadabog nalang bigla si Jihoon at nagmadaling pumunta sa kwarto. Napansin ito ng marami, pati na si Seungcheol.






At ayun, bumuhos na naman ang mga luha ni Jihoon na para bang hindi maubos-ubos.






Ang sakit na kasi talaga.




Naguguluhan na talaga siya.






Hindi niya alam kung aamin na ba siya para malaman na ni Seungcheol ang totoo at hindi na siya magpigil at magtago, o, itatago nalang ang katotohanan dahil nakikita niya namang masaya na ang nakatatanda.







Ano nga bang dapat niyang gawin?






Pakicomment nalang yung sagot. Thanks.






"Hyung?" Napatigil naman siya nang narinig niya ang boses ni Chan habang kumakatok sa pintuan. "Hyung, ayos ka lang?"






Pinunasan ni Jihoon ang mga luha at pinilit umakto ng normal, "O-oo. Ayos lang ako, Chan." Sabi niya at pinilit pasiglahin ang boses.




"Ji?"




Para bang tumigil ang mundo ni Jihoon nang marinig ang boses na 'yun.





"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Seungcheol na may bakas ng pagaalala.





Imbis na makasagot ay mas lalong napaiyak si Jihoon. Nagaalala ba siya? Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Aasa na naman ba ako?





"Ji?" Kumatok ang nakatatanda sa pintuan, "Ji? Umiiyak ka ba? Ayos ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong nito na para bang naalarma nang humikbi si Jihoon, sapat ang lakas para marinig niya.




"A-ayos lang ako, h-hyung." Pilit niyang pinatahan ang sarili para mapanatag ang kalooban ng hyung niya, ang taong mahal—mahalaga sa kanya.




"S-sigurado ka ba?" Tanong muli ni Seungcheol.



"O-oo." Yan nalang ang nasagot niya at tuluyan ng tumahimik.



Bakit nga ba ganyan ang nararamdaman niya?



Ah, oo. Nagseselos siya.


Malinaw na kaya sa kanya ang totoong nararamdaman niya?


~♥



Okay. Lame, I know.

Thanks ulit sa mga patuloy na sumusuporta sa story na 'to (na alam ko namang walang kwenta) so yeah.

Bad day, kaya, pagpasensiyahan niyo na. Inis na kasi talaga ako sa buhay ko :))

Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheolWhere stories live. Discover now