mmsd | 10

195 19 7
                                    

Chapter 10 | Truth

[ 10 - in which seungcheol found out the truth behind his feelings for jihoon. ]

~♥

It's been 9 days since umalis si Jihoon. And it's been 9 days since Seungcheol is experiencing hell everyday dahil wala ang nakababata. It's been 9 days and he still misses him....so much.

It's been 9 days and...sigurado na siya.

He is so sure of what he feels for Lee Jihoon. At nangako siya sa sarili niya na sasabihin na niya ito pagbalik na pagbalik ni Jihoon.

He loves that guy so much.

Seungcheol sighed, finally relieved dahil alam niyang mailalabas na niya lahat. Tatanggapin niya kahit anong kalabasan nito, kung parehas sila ng nararamdaman o kahit masaktan siya. He is willing to accept the pain, basta masabi niya lang ang nararamdaman niya na matagal na niyang tinatago.

He loves Lee Jihoon so much. He loves each and every thing about him. He loves him the way he is. He loves him being imperfect. He loves him being talented. He loves him being Lee Jihoon.

This is the first time Seungcheol felt like this, and it seems so right.


Ito pala ang ibig sabihin ng mga nararamdaman niya. 'Yung pagbilis ng pagtibok ng puso niya sa tuwing nandyan si Jihoon, sa tuwing nagkakadikit o nagkakahawak sila. 'Yung bigla-bigla niyang pagngiti sa tuwing naaalala niya ang nakababata, lahat 'yun. Bumabalik sa kanya ang lahat at unti-unti na niyang naiintindihan.

Araw-araw, pupunta siya sa rooftop kung saan sila laging nandun ni Jihoon at magiisip-isip. Walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang masasayang ala-ala nilang dalawa. Lahat ng mga tawanan at tampuhan, 'yung kantahan at sayawan, 'yung paguusap nila na para bang mah sarili silang mundo. 'Yung mga yakap at nakaw na halik, lahat bumabalik at napapangiti nalang siya.

Ilang beses ng nainis sa kanya ito at ilang beses na din siyang pinagtulakan. Ito pala 'yung ibig sabihin ng pagkirot ng puso niya sa tuwing sinasabi ng lalaki na naiirita siya sa pagmumukha niya. Pero unti-unti din siyang nasanay at natutuwa na sa tuwing ganun ang nangyayari.


Naaalala din niya nung mga panahong inaantok silang dalawa at sa sobrang pagod, sa upuan nalang sila natutulog, habang magkasandal ang mga ulo, komportable sila at para bang mas gusto nilang ganun.


At natatawa pa rin siya sa tuwing naaalala ang inis na mukha ni Jihoon kapag inaasar niya itong "pandak" o di kaya ay "cute". Gustong-gusto niyang nakikita ang naiinis na mukha na iyon dahil sa kanya, kaya naman gustong-gusto niya ring asarin ang nakababata.



He likes how Jihoon smiles. At gustong-gusto niya ang ngiti niyang iyon. 'Yung ngiti na bumubuo ng araw niya at nagpapasaya sa kanya. 'Yung nagpapawala ng pagod niya. He likes how Jihoon laughs. Gustong-gusto niya 'yung tunog ng tawa niya. Para bang kaya niyang pakinggan iyon buong araw.


He likes— or should I say, loves— the way Jihoon is.


Kahit na may pagka-brutal at masungit 'yun, mabait pa rin naman siya at maaalalahanin. Kahit na hindi niya pinapakita, alam naman ni Seungcheol na nagaalala siya para sa iba pang miyembro. And he loves that personality of him. Mature siyang mag-isip pero minsan ay nakikipagkulitan din sa members.



Marami ding talento si Jihoon. Marunong siyang kumanta, sumayaw, magrap, magcompose, gumamit ng instruments, magchoreograph, at marami pang iba. Pero ang pinakagusto ni Seungcheol sa mga 'yun ay ang boses niya sa tuwing kumakanta. 'Yung boses nito na hindi niya makakalimutan at pagsasawaan.



He loves the way na alam niya halos lahat ng tungkol sa nakababata. He loves the way na nagkakasundo sila sa ibang bagay, at sa iba naman ay nagkakaiba. He loves the way they are comfortable with each other more than others.



Ang unique talaga ng pandak na 'yun. Napatawa nalang siya sa naisip. Kung sinabi niya iyon ng malakas at nagkataong nandito ang lalaki, malamang nasa ospital na siya ngayon. Hayst.




Napakaespesyal ni Jihoon para sa kanya. Na kahit anong kulay ng buhok nito ay bagay pa rin ito sa kanya. Na kahit kakaiba itong magmahal at tanggap pa rin niya.



Na kahit anong mangyari, mahal pa rin niya.



At alam naman ni Seungcheol na hindi lang dahil sa mga rason na 'yan kung bakit niya mahal ang isang Lee Jihoon— o soon to be Choi Jihoon kung tatanggapin siya nito— dahil isa lang naman ang pinakarason niya.


Mahal niya si Lee Jihoon, dahil siya si Lee Jihoon.

At wala ng kailangan pang signs o mga dahilan, dahil kapag sigurado ka na sa nararamdaman mo, 'yun na 'yun.


At si Choi Seungcheol?


Sigurado na siyang mahal niya si Lee Jihoon.

“Seungcheol? Gabi na ah? Gising ka pa pala.”


There goes Seungcheol's world, it stopped again and his heart, it beats faster again.

~♥

support me guys, mah heart is wahhhh /dies

the end is about to come ♡

Mahal Mo Siya, Diba? ► jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon