X.

176K 6.9K 2.6K
                                    

"Just in case another wolf looks at you
Because my girl is too perfect
I'll hold you softly within me
I become violent just for you.' -Exo growl

Gemma

Hindi pa rin ako makatulog. Ang daming nangyari ngayong gabi at sobra na akong nalilito. Hindi ko na talaga alam kung anong tumatakbo sa isipan ni H. What kind of sick game is this? Try to find him within the span of 12 days and bring back his ring and what? Anong sunod? Isa pa 'tong mga clues na hindi nakakatulong! Lahat may connection sa asawa niya so paano ko malalaman? Seriously?

H is not stupid so malamang sa una palang alam niyang HINDI AKO ANG ASAWA niya pero bakit niya ipinagpipilitan? Dahil ba kamukha ko siya? If that's the case then he's a psycho stalker! Pero ano 'to? This necklace? Why did he gave me this? At isa pa kung psycho talaga siya then dapat matagal na niya akong kinuha but why? Ano ba talaga yang laro na gusto niya? Masyado na akong naguguluhan.

Gusto ko siyang pag isipan ng masama pero parang may bumabagabag sa isipan ko. Parang may kailangan pa akong malaman. Kaso ang tanong, bakit ba nagiging interisado ako? Ang totoo, hindi ko rin alam kung bakit.

Dahan dahan akong lumabas sa kwarto at baka magising yung iba saka dumiretso sa sala. Lalabas na sana ako kaso bigla akong napahinto at agad na nagtago sa likod ng malaking vase. Sabay na pumasok si Rose at Harold. Teka akala ko ba tulog na sila? Anong ginagawa nila sa labas?

Sa totoo lang kakaiba pa rin ang kutob ko kay Harold. Ang sabi dun sa clue blue yung kulay na mata kaso iba yung kay Harold. Itim na itim ito.

"Babe sigurado ka ba dito? Do you trust me? Do you believe in me?"

"Oo naman babe. I love you and nakita ko na. Please babe."

"Fine. I want you to keep quite."

Lumingon lingon si Harold sa paligid at tumigil yung tingin niya sa vase na pinagtataguan ko. Mas lalo akong kinabahan at mas lalo kong ipinagsiksikan yung katawan ko sa pader.

"Babe may problema ba?"

"Sa tingin ko may iba tayong kasama dito." Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman?!

"Teka ano bang tinitignan-tignan mo diyan? Eh flower vase lang naman yan." Halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba. Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Isa pa patungkol saan ba yung pinag uusapan nila? May tinatago kaya sila?

Hindi ko napansin na masyadong nakadiin yung napuruhan kong paa sa pagkakasiksik ko sa gilid. Bigla nalang ito kumirot kaya napadaing ako ng mahina pero agad ko ring tinakpan yung bibig ko. Gemma naman!

"Narinig mo yun Rose?"

"Ang alin babe?"

"May kakaiba doon sa likod ng vase. Parang may dumaing."

"Sus naman babe. Guni-guni mo lang yun! Halika na sa kwarto!"

"Teka titignan ko lang saglit." Patay! Ano na gagawin ko?!

Naririnig ko na yung yapak niya papalapit sa kinaroroonan ko. Napapikit ako at mas nagsumiksik at hindi ko ininda yung sumasakit kong paa.

"May tao ba diyan?" Halos malagutan na ako ng hininga.

"Oy gago! Ba't andito pa kayo ni Rose? Nag hahanap ba kayo ng lugar na mapag 'ano'han?" Bigla nalang pumasok si Oliver at ang sama ng tingin kay Harold na napahinto sa paglalakad.

Napahinga ako ng maluwag.

"Dahan dahan ka sa pananalita mo Oliver." Mapait na sabi ni Rose. Mag ex sila kaya ganyan nalang ka bitter si Oliver, muntik ko nang makalimutan.

Married to UnknownWhere stories live. Discover now