XLV.

108K 4.3K 2K
                                    

Gemma

I adjusted my eyes from the blindingly light.

"Not fond of sleeping too longer eh? Eager to meet me twin?"

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko kaso tumunog lang yung kadena na naka pulupot sa kamay at paa ko. Medyo naka adjust na yung mata ko sa liwanag at hinanap ko yung pinanggalingan ng boses.

"Stop looking around."

Nagbukas ang pinto at iniluwa nito si Raven-Mira na may dalang pagkain.

"Why don't you have a feast first before we start the game? This would be a long celebration for new year after all." She laughed at her own humor.

Pero nakatitig lang ako kay Raven. She's showing an impassive face, her eyes devoids any emotion. Inilapag niya yung pagkain sa harapan ko kaso tumawa lang ako. I don't know what the hell is going on but I'm having a clue. It wouldn't take a genius to know that I am kidnapped. I have been in so much trouble at magmumukha lang akong tanga kapag hindi ko pa gets kung anong nangyayari ngayon.

Nicca's had me. That is.

I remember what happened a while ago. My kind-nature kicks in at the very wrong time but it is worth it. Matagal ko na 'tong hinintay at kung ito lang ang paraan para lumabas siya sa lungga niya then I guess I did the right thing.

"Raven, look at me." Kaso para siyang robot kung umasta.

"Raven, it's me, Gemma. Try to remember me please. Look at me, co-worker, club, friend, Rose, alalahanin mo yung pinagsamahan natin." Halos banggitin ko yung mga bagay na may connection sa alaala niya kaso may narinig lang akong tumawa.

Huwag kang magpapaapekto Gemma.

"Mira feed her."

Sumandok siya ng pagkain at itinapat yun sa bunganga ko. Ibang iba siya sa babae na nakita ko na matapang doon sa restroom. She is being controlled and for a moment I can see fear in her eyes.

"You don't need to do this Raven. Labanan mo yung takot na bumubulong diyan sa isipan mo. I can help you. We will help you get back. Just follow my voice, it's me Gemma. Ako yung kaibigan mo dati, kami nila Rose at--"

"Eat." Mas inilapit niya yung pagkain sa bibig ko at pilit na ipinapasubo kaso natabig ko yung hawak niyang kutsara.

"B.tch!" Hinawakan niya ako sa panga at humawak ng sandamakmak na pagkain at saka isinalpak sa bibig ko. Nabigla ako sa ginawa niya. Gigil na gigil siya habang sinasaksak yung pagkain at pilit ko namang isinasara yung bibig ko.

"You should have died! Wala kang kwenta! Inagaw mo siya sa akin! Akala ko kaibigan kita pero isa kang malaking put*! Noong bata ka palang diyan ka naman magaling diba? Kulang ka sa atensyon kaya lahat nalang inaakit mo! Akala mo hindi ko malalaman huh? Huh?!" Sinabunutan niya ako at wala akong magawa dahil nakatali ako.

Sa sobrang dami ng sinabi niya isa lang ang napagtanto ko. She was fed with lies and make up stories. Wala akong naalala na may inagaw ako sa kanya. May nababanggit pa siya na hindi naman nangyari sa pagitan namin.

"Stop! Get out Mira!" As if on cue, parang walang nangyari at taas noong umalis si Raven. Ang bilis magbago ng mood niya, kung kanina halos umiyak siya sa galit, ngayon naman bumalik ang kanyang emosyon nung pumasok siya dito.

"Now what? Naduduwag ka bang lumabas diyan?"

"Duwag? Never underestimate me twin. Baka gugustuhin mo nang mamatay kapag nasa harapan mo na ako."

Married to UnknownDonde viven las historias. Descúbrelo ahora