XX.

155K 5.8K 3.9K
                                    

Gemma

I slap him. Pabalik na kami ngayon sa Pilipinas at andito kami sa loob ng private jet niya kasama yung bodyguard na dalawa. Sinenyasan niya yung dalawa at agad silang umalis saka niya ibinalik ang tingin sa akin.

Hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi niya sa akin kahapon at yung panghahalik na ginawa niya.

Everything was wrong.

Itinaas ko ulit yung kamay ko para sampalin siya kaso naunahan niya ako.

"Bitiwan mo yung kamay ko."

"Calm your ass then."

Nanlaki yung mata ko. Itinaas ko yung isa kong kamay pero mas mabilis siya. Dalawang kamay ko na ang hawak niya.

"I said we are going to talk." Kalmado niyang sabi pero hindi pa rin nababawasan yung galit ko.

"Mag-uusap? Malinaw na sa akin na ginagamit mo lang ako at mali yun! Nasa akin na lahat ng atensyon ng mga kalaban mo!"

"Alam ko."

Sasabog na yata ako sa inis. Alam naman pala niya eh bakit niya ginagawa?!

"For f*ck's sake kumalma ka nga muna." Huminga ako ng malalim at nang makita niya na okay na ako saka niya lang binitawan yung kamay ko.

"Ask me." Nagsalin siya ng wine sa goblet at inabot yun sa akin. Now this is my chance.

"Do I have a twin?" Yun agad ang unang lumabas sa bibig ko. Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung kaano ano ko ba talaga si Nicca at bakit kami magkamukha.

"None."

What? So paano ko siya kamukha?

"Baka naman nawawala ko siyang kambal?" Yan kasi yung palagi kong napapanood at nagbabakasakali lang ako. Dramatic I know.

"She's not your twin, perhaps you don't have one. You and Nicca aren't blood related."

"Eh ano?"

Nilagok niya muna yung laman ng baso niya bago sumagot. "She copied your face."

Kung hindi lang ako umiinom, baka nabulunan na ako ng husto. Tama ba yung narinig ko? She copied my face? Teka naguguluhan ako lalo.

"Seryoso ka ba?"

"What do you think?"

"P-Pero napaka imposible naman."

"That's what you thought."

Bigla tuloy tumayo yung mga balahibo ko sa katawan.

"Bakit?"

Nakita ko kung paano nagtagis yung jawline niya. Nagsalin ulit siya ng wine at tumingin sa baso ko na hindi ko pa ginagalaw. Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang uminom ng alcoholic drinks dahil ang babaw ng tolerance ko dito.

"Insecurities."

"Pero papaano niya ako nakilala?"

"She was your former college classmate."

Natahimik ako at muling bumalik yung sinabi niya sa akin kahapon.

"So why do you want justice?" Doon mas lalong naging blangko yung mukha niya. Pero hindi nakalagpas sa akin yung lungkot at pangungulila sa mga mata niya. Bigla tuloy akong na-guilty.

"Este balik tayo kay Nicca." Pang-iiba ko. Pansin ko kasi parang hindi pa siya handang sagutin yung tanong na yon.

"Bakit mo siya minahal kung alam mong nagpa-ayos siya ng mukha."

Married to UnknownWhere stories live. Discover now