XII.

165K 6.1K 2.3K
                                    

'We never know who are in this game. A game with a lot of players could be deadly fun.' -Anonymous

Gemma

"Help me! P-Please...Help me ***." Andito ako sa loob ng isang basement, hindi ko tuloy maiwasang mandiri dahil my mga dugong nagkalat sa pader na mukhang tumigas na. At dito sa kinatatayuan ko, kaharap ko ang isang babae na naka blindfold at kanina pa sumisigaw.

"I won't do it again! Please let me go!" May pumasok na apat na lalaking nakaitim at nakamask sila. Kinabahan ako ng sobra para sa babaeng nasa harapan ko lalo na't nanlilisik ang mga mata nila, masyado itong mapula.

"Hush."

"S-Sino ka?!"

Tumawa yung isa saka hinigit yung buhok ng babae at itinutok niya sa leeg niya ang kutsilyong kanina pa niya hawak.

"M-Maawa ka naman s-sa akin...H-Huwag mo itong gawin!" Nanlaki ang mga mata ko dahil bigla nalang siya kinaladkad ng mga lalaki at itinali sa pader. Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari dahil natagpuan ko nalang ang sarili ko dito sa loob ng isang napakalaking kwarto.

May isang babae ulit na nakatalikod mula sa akin at para siyang galit dahil may mga pinagbabasag siyang picture frame. Parang nakakatakot din itong lapitan pero sinubukan ko, dahan dahan akong lumapit doon sa babae at laking gulat ko nang makita ko ang hitsura niya.

H-Her face....

Mukha ko yun! Pero may mga konting pagbabago, napansin ko ulit yung tattoo niya sa collar bone. Hindi ako ang babaeng ito. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit umiiyak siya at kung bakit ako nandito.

"Nicca!"

Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko at napatingin sa orasan. Mag a-alas diez na pala ng gabi. Ibinalik ko ang tingin ko sa ceiling hanggang sa nakatulala na pala ako sa kakaisip. Mukhang mababaliw na ako sa nangyayari sa buhay ko, hindi ko na alam kung ano bang meron sa akin at nangyayari ang lahat ng mga ito.

Yung babae. Yung babae sa panaginip ko, ilang beses ko na siyang nakikita kaso ngayon lang naging malinaw sa akin kung anong hitsura niya.

Bakit? Bakit ko nakikita 'tong mga panaginip na 'to?

Nicca

Mas lalong sumasakit ang ulo ko kakaisip kung ano bang papel ko sa buhay niya. Kaso posible kaya...posible kaya na yung lalaki na naririnig kong umiiyak sa hospital at si H ay iisa? Kaya ba palagi niyang sinusundan ang bawat galaw ko ay dahil kamukha ko si Nicca?

Napahawak ako sa leeg ko. Now it's very clear to me. Ipinamukha na niya sa akin kung ano talaga siya, hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko ngayon. Yes I'm scared of what he is capable of doing, he can kill me easily if he would want to. Pero mas lalo lang tumapang ang loob ko, siguro dahil medyo nasanay na ako sa takot na palagi kong nararamdaman sa loob ng apat na buwan.

Pero gusto ko pa rin mag ingat.

Nagvibrate ulit yung phone ko at as usual unknown ang nakalagay sa sender.

From: Unknown
Time received: 10:10 P.M.
I want to touch you right now very, very, very badly kitten.

May naisip ako bigla but I'm taking a big risk here.

To: Unknown
Time sent: 10:12 P.M.
Oh really? Paano kung may magselos? Not a good idea mister.

From: Unknown
Time received: 10:12 P.M.
And who would that be?

Married to UnknownWhere stories live. Discover now