XLII.

119K 4.4K 2.6K
                                    

Gemma

Nagising nalang ako sa kwarto ko at kung wala pang note na nakalagay sa bed side table ko baka nataranta na naman ako kung sino ang nagbuhat sa akin dito.

Be back, bibili pa ako ng icool. Take care cause I care hehe.

Kahit na hindi ko tanungin kung sino ay kilala ko na ang taong 'to. Napatingin ako sa labas at magmamadaling araw palang. Naalala ko yung nangyari at hindi maiwasang kumirot ng dibdib ko. Sinasabi ng utak ko na umalis na at magpakalayo pero ayoko dahil magmumukha na naman akong duwag kapag ginawa ko yun at pinanghahawakan ko yung sinabi ni Luc. I trust him. Sabihan niyo na akong tanga pero iba kasi ang kutob ko.

Maya't maya'y nagbukas ang pinto. Akala ko si Hector ang papasok kaso iba. It was Luc. His eyes were bloody red, nanigas ako sa kinahihigaan ko. Nakita ko kung paano siya lumapit kaya napapikit ako.

"Baby.." Naramdaman ko yung kamay niya na dumantay sa pisngi ko. "Please look at me."

I did. Hindi na mapulang mata ang nakatitig sa akin kundi ang mapag alalang mata nito. Agad niya akong ikinulong sa bisig niya at hindi ko mapigilang yakapin siya ng sobrang higpit. Isinubsob ko yung mukha ko sa dibdib niya habang paulit ulit naman niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko. We stayed like that for how many minutes hanggang sa siya ang unang nagsalita.

"I'm sorry baby." He murmured against my hair. Eto na ba? Sasabihin na ba niya sa akin na nakipagkita siya kay Nicca? Pinili kong huwag magsalita.

"Sorry dahil ngayon lang ako nakauwi. You look so scared, sorry for not being able to be with you."

Hinaplos haplos niya ang buhok ko kaya napapikit ako. I like it when he does that.

"Sorry if I scared you a while ago." Ngayon naman yung daliri ko ang nilalaro laro niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong.

"Saan ka nagpunta pagkatapos mo akong ihatid kagabi?"

"What?"

"Pagkatapos mo akong sunduin sa pinagtratrabahuan ko diba-"

"What did you say?" Naramdaman ko ang paninigas niya. May mali ba akong nasabi? O di kaya ayaw niyang mabuko?

"Sinabi mo sa akin na may pupuntahan kang emergency meeting kaya-"

"The f*ck." Bumalik ulit sa pagiging pula yung mga mata niya.

"Luc, look at me. May problema ba? I want you to be honest with me, sinundan kita nung gabing yon at..." Lumunok ako. "..at nakita ko kayo ni Nicca. H-Hindi ako magagalit kung ipapaintindi mo sa akin kung bakit. Luc, I trust you."

Tumingin siya sa akin at sa unang pagkakataon may takot akong nabasa sa mga mata niya.

Bigla niya akong hinawakan sa balikat at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Para bang may hinahanap.

"Are you hurt? Did he do something? F*ck no. Go*damn it." Patuloy lang siya sa pagmumura. He looks horrified hanggang sa napalitan na naman ito ng matinding galit.

"I should've killed him." He said through gritted teeth. Akmang tatayo na siya nang hilain ko siya pabalik saka niyakap ng mahigpit. He's not in the right thinking to do such thing kahit wala na akong maintindihan sa sinasabi niya.

"Stay here, stay with me." Bulong ko sa tenga niya habang pilit siyang pinapakalma. His heavy breaths are slowly becoming steady habang patuloy lang ako sa pagyakap sa kanya then the next thing I know is he's already drawing circles on my back. I let him basta lang kumalma siya.

Married to Unknownحيث تعيش القصص. اكتشف الآن