XXXVIII.

116K 5K 1.3K
                                    

'Flashback'

"Ako nga pala ang nanay mo at ito ang tatay mo."

"Hello anak. Kamusta na ang lagay mo? Mabuti na ba? May masakit pa ba sa iyo?"

Umusog siya sa kama nang tangkaan siyang lapitan nang matanda. Hindi niya alam kung bakit siya natatakot. Alam niyang hindi siya sasaktan ng mga taong nasa harapam niya dahil mababait sila pero para bang may nagtutulak sa kanya ma huwag magpahawak sa kung sino sino.

"Anak, may masakit ba sa iyo?" Umiling siya. Bumubuti na ang kanyang mga pasa pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang maalala. Hindi rin siya masyadong nagsasalita at palagi nalang siyang tulala.

"O sya kain ka pero nakaharang iyang buhok mo sa mukha mo." Akmang itataas ng ginang ang kanyang kamay pero hindi niya alam kung bakit siya napasigaw.

"Huwag po!"

"Anak?"

Napapikit siya ng husto at hinintay niyang dumapo ang kamay sa kanya ngunit wala siyang naramdaman. May ideya ang ginang kung bakit nagkakaganito ang bata pero hindi niya alam na ganito pala kalala. Malinaw na minaltrato ang bata base sa mga pasa at sugat na nakita nila sa kanyang katawan nang matagpuan nila ito sa tabi ng daan nung gabing umuulan at papauwi na sila sa kanila. Naawa ang ginang noon kaya tinulungan nila ang bata at dinala sa pinakamalapit na hospital. Nag-aagaw buhay ang bata noong isinugod nila ito sa hospital dahil matindi ang tama nito sa kanyang ulo at halos bumigay na ang kanyang katawan sa matinding pagmamaltrato. Kanina nga lang din nila nalaman na tuluyan siyang nagka-amnesia dahil naapektuhan ang kanyang utak sa nangyari.

"Hija, hindi ka sasaktan ni mommy." Marahan niyang inalis ang nakaharang na buhok sa mukha ng bata at naramdaman niya kung paano ito naningas nang madampian niya ang kanyang balat.

"Ayan maayos na, kain ka na hija. Wala nang nakaharang sa mukha mo." Unti unting napamulat ang bata. Narinig niya kung paano tumunog ang kanyang tiyan at napatawa siya. Unti unti ring ngumiti ang bata dahil sa kahihiyan at masigla nitong kinain ang dala ng ginang na baon. Lumipas ang ilang araw at napapansin niya kung gaano pagaan nang pagaan ang loob ng bata sa kanya. Hindi na ito masyadong nakatulala at nakakausap mo na rin ito ng maayos. Makikita mo na bumabalik ang dating niyang sigla sa kanyang mata na hindi niya nakita nitong nakaraang araw. Hindi na rin pansin ang kanyang mga pasa at umayos na ang kanyang lagay kaya naman napagdesisyunan na niyang iuwi ang bata. Oo, aakuin na nila ang bata kaysa naman ipunta nila sa DSWD, hindi niya alam kung pinaghahanap na siya ng mga taong namalatrato sa kanya at ayaw niyang maulit ulit ito sa kanya.

"Hija? Andito na tayo sa bahay natin?"

"Bahay...natin?"

"Oo, hija. Hindi mo ba maalala?" Napailing siya ang bata at hindi maiwasan ng ginang na makonsensya dahil sa pagsisinungaling sa kanya.

"Dito tayo nakatira ng daddy mo anak."

"Ganun po ba?"

"Oo, pasok na tayo?"

"Sige po, gusto ko pong makita ang loob ng bahay!"

"O sya, tara at pumasok na."

Halos umabot ang ngiti ng ginang sa kanyag tenga dahil sa nakikita niyang kasiyahan ng bata habang umiikot ikot sa kanilang bahay. Sa katotohanan ay matagal na niyang pinapangarap na magkaroon ng anak ngunit sa kasamaang palad ay hindi sila pinalad ng kanyang asawa kaya naman laking tuwa niya nang dumating ang bata sa kanilang buhay.

Nagsimula na siyang maghanda ng kanilang pananghalian at nang matapos na siyang makapagluto ay tinawag na niya ang bata.

"Gemma anak!"

Married to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon