XVII.

160K 6.5K 2.8K
                                    

Gemma

Mag-isa lang akong nakaupo dito sa café at alas singko palang ng umaga. Sa bahay ako natulog kaso maaga rin akong nagising. Hindi ko alam pero hindi ako makahinga, kailangan ko ng sariwang hangin kaya nag jogging ako bandang alas tres. Paulit ulit na naglalaro sa isipan ko yung sinabi ni Luc kahapon.

"Ma'am here is your order, enjoy!"

"Thank yo--teka kilala kita." Ang pamilyar ng mukha niya.

"Ma'am? Ay oo nga po ang pamilyar ng mukha niyo po. Ah! Ikaw yung babae na nahimatay doom sa club na pinagtratrabahuan ko! Ms..."

"Gemma."

"Oo tama! Ikaw si Ms. Gemma! Ako to si Hayden yung janitor na tumulong sa'yo nung nahimatay ka." Nanlaki yung mata ko. Kaya pala masyadong pamilyar!

"Teka anong ginagawa mo dito? Umalis ka na ba sa club?" Napakamot siya sa ulo niya saka tumango. Nakita ko yung mga sugat sugat sa mga kamay niya at mukhang napansin niya naman yun kaya agad niyang itinago.

"Ehem may kailangan po ba kayo?" Nag order ulit ako ng isang drinks at pagbalik niya, pinaupo ko siya sa kabilang upuan. Nagtataka naman siyang napatingin sakin.

"Sa'yo na yang order ko."

"Pero ma'am may trabaho pa po ako at baka masisante ako nung boss ko." Tatayo na sana siya kaso hinila ko siya paupo.

"Teka lang!" Napabuntong hininga ako. Konting pera lang yung dala ko ngayon. "Gusto ko sanang ibalik yung ginawa mo sakin nung gabing yun. May kailangan ka ba? Sabihin mo lang kung anong pwede kong maitulong sayo."

"Ha? Wag na po! Okay lang po yun!" Nag vibrate bigla yung phone ko, pinasadhan ko lang ito ng tingin pero unknown number yung nagflash sa screen. Oh crap.

Kinuha ko yung ballpen na nakalagay sa bulsa ng polo niya at dali daling isinulat sa papel na hawak niya yung number ko saka ako dali daling tumayo.

"Tawagan mo nalang ako pag may kailangan ka, mauuna na ako." Yun lang at dali dali akong lumabas saka tinignan yung message sa phone ko.

Tumambad sa akin yung picture kung saan nasa loob ako ng café habang kausap ko si Hayden. Sinubukan kong kumalma baka kasi si Luc lang 'to at ibang number ulit yung ginamit. Tatawagan ko na sana 'tong number na 'to pero bigla nalang nagkagulo sa loob ng café. Dali dali akong nakisilip at halos lahat ng customers sa loob may lumalabas na bula sa kanilang bibig.

Tinignan ko yung pwesto ko kanina at yung kape na inorder ko. Napahawak agad ako sa tiyan ko. Hindi kaya may lason yung kape? Kinapa kapa ko yung katawan ko, wala namang sumasakit sa akin pero medyo umiiba yung pakiramdam ko.

"Tabi!" May mga pulis at ambulansya sa dumating. Hinanap agad ng mata ko si Hayden kaso wala akong makita.

"Miss tabi po tayo!" Napatakbo ako papalayo sa lugar na yun at tinignan yung bagong rating na mensahe mula sa dating number.

From: Unknown
Time received: 7:49 A.M.
Roses are red,
Violets are blue,
Mama is waiting for you,
Soon you'll die too.

Naalala ko yung sinabi ni Luc kagabi, ayokong maniwala pero ngayon nag iba yung isip ko. Hinanap ko yung number ni Luc sa phone ko, hindi pa niya sinasagot yung tawag pero napamura ako ng malakas nang kumirot ng sobra yung ulo ko tapos biglang nanginig yung buong katawan ko.

Nabitawan ko yung phone kasabay nun ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig. Namilipit ako sa sakit habang yakap yakap ko ang sarili ko, bigla nalang ako pinagpawisan ng malamig na hindi ko maintindihan hanggang sa nandilim nalang bigla ang paligid.

Married to UnknownWhere stories live. Discover now