XVIII.

156K 6.2K 4.6K
                                    

Gemma

Inaantok na talaga ako, hindi kasi ako makatulog ng maayos kanina at isa pa nangangalay na yung pwet ko. Pakiramdam ko nga panis na yung laway ko dahil mga ilang oras na din akong hindi nagsasalita. Bale 4 kasi kami sa jet, yung manager, personal bodyguard, si Luc at ako. Puro naman kasi business yung pinaguusapan nila kaya OP ako sa gilid pero mas mabuti na yun.

Wala naman akong maleta dahil hindi ako nakapaghanda kaya wala akong bibitbitin kaso nagulat ako nang bigla akong kalabitin nung manager.

"You're the PA, am I right? Please carry this." Ibinigay niya sa akin yung dalawag mabibigat na maleta tapos idinagdag niya pa yung handbag niya.

"Be careful with my things okay?"

Tinalikuran ako nung manager pero bago yun, may humawak humablot sa braso niya.

"What's mine is mine. Go find your own personal assistant, Raley."

"C'mon Luc! We've been working with each other for the last 10 years! Even Ikept your secret being the Hamilton's heir! Can you at least share? Geez. I'm tired." Bigla nalang kinuha sa akin ni Luc yung maleta at sapilitang ibinigay kay Raley.

"What the heck Luc?!" Pinilit kong kunin pabalik yung maleta kaso pinigilan niya ako.

"You're tired you said right?" Napairap yung manager. Wow buti pa siya at kaya niyang binabastos bastos ang amo niya.

"You can see it right?"

"Of course."

"Then let your personal assistant carry my bag!"

"No." Ano na naman kayang iniisip ni Luc?

"Go home and take a rest Raley." Huh? May pag aalala sa boses niya kaya pareho kaming nagulat.

"W-What?"

"You heard me."

Lumawak bigla yung ngiti ni Raley at niyakap ng mahigpit si Luc.

"Oh my god! I've been waiting for this for so long! I will take my vacation after this shoot! Seriously thank you so much you really don't have any idea how stressful and hard could a manager get---"

"No need. Take your vacation now but please remember this." Lumayo ako ng bahagya.

"Don't even show your face to me again. You. Are. Fired."

Naiwang nakanganga yung manager at kung hindi lang ako hinila nung guard baka hindi na ako gagalaw sa kinatatayuan ko.

Pagkarating namin sa kotse may kausap na agad siya sa phone at mukhang seryoso.

Umidlip nalang ako sa pwesto ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod.

****

Nagising nalang ako dahil pakiramdam ko nakalutang ako sa ere. Nagulat ako dahil buhat buhat pala ako ni Luc kaya naman agad anong napatingin sa paligid kaso yung dalawang guard lang yung kasama namin. Napansin ko na nasa loob na kami ng hotel.

"Um, gising na ako. Pasensya na pwede mo na akong ibaba." Hinigpitan niya bigla yung pagkakahawak niya sa akin.

"Keep still."

Sa isang iglap nasa loob na kami ng suite. Pagkababa niya sa akin, agad niyang niluwagan yung suot niyang tie saka inilabas yung laptop niya. "You can rest." Sabi niya sabay turo sa king size na kama.

Sinundan lang siya ng mata ko habang abala siya sa isang office table. Tumigil siya sa pag ta-type at tumingin sa akin.

May bumabagabag sa akin pero ayoko naman magmukhang ewan kung itatanong ko pa.

Married to UnknownWhere stories live. Discover now