XIX.

147K 6.1K 2.9K
                                    

Gemma

Kakatapos lang ng pictorial kanina para sa cover ng isang sikat na magazine. Nandito na kami sa loob ng hotel pero kanina pa ako hindi mapakali. Para bang may nakasunod sa amin kanina sa sasakyan. Ang mas malala, wala ngayon sina Luc dahil kakaalis lang nila para sa isang private meeting.

"Who's that?" May bigla kasing kumatok.

"Room service ma'am." Napahinga ako ng maluwag. Akala ko kung ano na. Tumayo ako mula sa kama at naglakad papunta sa pinto. Nakapatong na yung kamay ko sa door knob pero napatigil ako.

Kakadating lang kanina nung isang room server eh bakit may isa na naman?

"Ma'am?" Mas lumakas pa yung katok at mas lumalim yung boses nung nasa labas.

"I think you have the wrong room."

Pagkaraan ng ilang minuto nakahinga ako ng maluwag. Siguro umalis na yun dahil wala naman nang nagsalita pagkatapos.

"This is Nicca Santiago's room, I think this is the right room." Napakunot noo ako. Dalawang room kasi yung nakapangalan kay Luc pero gumamit siya ng codename.

Sh*t! Sinasabi ko na nga ba may nakasunod sa amin! At ang akala nila ako si Nicca, yung dating asawa ni Luc! Mabilis akong kumuha ng bagay na pangharang sa pinto at agad kong dinial yung number ni Luc sa phone ko.

"Ma'am? Please open the door." Sinubukan kong pakalmahin yung sarili ko kahit na natataranta na ako. Bakit ang tagal niyang sagutin?

"Ma'am are you trying to call someone?" What the heck?!

"Please open the door..." Bakit busy? Tinawagan ko ulit yung phone ni Luc habang palakas nang palakas yung katok sa pinto.

"Or I'm going to force myself inside."

"That is agains't the policy!"

Again, na-end yung call. Napatingin ako sa bintana na bahagyang nakabukas kaya dali dali kong isinara iyon.

"Nicca open the door." Kalabog na yung naririnig ko mula sa pinto. Bakit wala pang guard na dumadating? May mga CCTV's naman na nagkalat pero bakit wala pa ring nagrereport?

Nag iwan nalang ako ng voicemail kay Luc hanggang sa napansin kong biglang humina yung katok.

"Sabi ko sayo papasok ako sa ayaw at gusto mo." Napalingon ako sa likuran ko. Wala na yung katok na naririnig ko kanina dahil andito na mismo sa harapan ko yung nilalang na yon.

Para akong ewan na nakatayo at hindi alam ang gagawin. Ngayon lang talaga ako nakakita ng bampira na mukhang halimaw. Ang haba haba ng pangil niya at ang pula ng mga mata niya. Mukha siyang uhaw na uhaw at talagang naglalaway pa.

"Nicca."

"H-Hindi nga ako si Nicca!" Napatakbo ako papunta sa C.R. kaso hinarangan niya agad ako. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa leeg.

"Patay ka na dapat! Pinatay ka na!" Bigla nalang siya tumilapon sa tabi kaya nabitawan niya ako. Hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkahawak niya sa leeg ko kaya napaubo ako ng husto.

"Get off my f*cking wife." Hindi ko alam kung nangyari dahil bigla balang naging abo yung lalaki kanina. Hawak hawak ko pa rin yung leeg ko nang lumingon si Luc.

Dali dali siyang lumapit sa akin at sinuri yung leeg ko. "Go*damn it!"

"Tama na. Ayos lang ako." Pero hindi niya ako pinakinggan.

"I'm sorry I was in a serious meeting when you called." Tinulungan niya akong tumayo. Tinignan niya akong maigi sa mata at hinaplos niya ng dahan dahan yung leeg ko na nangingirot. "Tell me what did that f*cking bastard do."

Married to UnknownWhere stories live. Discover now