1

524 15 7
                                    

nakakabagot! yan lang ang masasabi ko kung tatanongin kung kamusta ang klase ko ngayon. wala naman kasi kaming ginagawa -.- kung wala nga lang attendance hindi na ko papasok eh.

nakatingin lang ako ngayon sa kawalan habang nginunguya ang bubble gum ko na malapit ng mawalan ng lasa. bigla na lang akong kinalabit ni Sassy, kaibigan ko. bigla siyang may tinuro sa may katabi kong table sa classroom

"uy Elmira, pansin ko kanina pa nakatingin sayo yang si Nerdy boy" mahina pero natatawa-tawa niyang sabi

hindi ko naman mapigilang hindi mapatingin sa lalaking kanina pa daw nakatingin sakin, bigla naman siyang umiwas ng tingin at tumutok sa librong hawak niya kaya medyo napangisi ako. kinuha ko yung ballpen ko at tinaktak ng paulit-ulit sa table ko at sa wakas, nakuha ko ulit ang atensyon niya. kinagat ko ang dulo ng ballpen ko habang nakatitig sa kanya, dahan-dahan kong ini-angat ang legs ko at nag de-kwatrong upo, napatingin siya dito kaya naman napa-iwas nanaman siya ng tingin. tumayo ako at ambang lalapit sa kanya ng tumunog naman ang bell,nagmadali siyang tumayo at tumakbo. HAHA! gosh! He was sweating the whole time na sine-seduce ko siya, uhm no! hindi ko pala siya sine-seduce, he's not even my type!

"see ya later Elmira! 9 pm okay? at Royals Club" paalala sakin ni Sassy bago kami maghiwalay umuwi

"sige sige, sina Kyle at Charmie ba makakapunta later night?"

"of course! magpapahuli pa ba yung dalawang yun? absent sa klase pero present sa gimikan.. haha!"

"haha! sa bagay, oh sige na uwi na ko sa dorm"  

pagkapasok ko pa lang sa dorm ay tumambang na agad sa harapan ko si Anne, yung ka-roommate ko at yung nobyo niya na kung makapaglampungan sa sofa! naku! di na nahiya, sarap sabihan ng "pwede bang dun na lang kayo sa kuwarto?" kaya lang hindi pwede dahil nga roommate ko yung babae, pag nagkataon, dun sila sa kuwarto namin, naku, ayokong makapanood ng Live show noh at ayokong mag-iwan sila ng bakas nila dun!

"ay Elmira! May tawag ka pala kanina, mama mo ulit" sabi niya ng papa-akyat na ko ng hagdan kaya naman napahinto ako

hindi ko alam kung paano ko siya titignan habang kinakausap niya ko, pano ba naman, yung boyfriend niya walang tigil sa paghalik sa leeg niya, nakalaglag na nga yung isang strap ng sando niya eh

"oh anong sabi mo?" umiiwas pa din ako ng tingin, jojombagin ko na tong jowa ng roommate ko eh, tsk!

"eh di ano pa, yung lagi mong pinapasabi sakin...eeee! babe nakikiliti ako! wait lang, kausap ko pa si Elmira eh"

"ANO NGA?!" tinaasan ko na yung boses ko. naiinis na ko sa dalawang to, ang haharot! effective naman dahil tumigil na din sa wakas yung jowa niyang mukang bouncer sa club, ang dumi pa tignan puro tattoo sa braso. hindi ako laitera, sadyang ayoko lang sa mga ganun.

Mr. MysteriousWhere stories live. Discover now