4

73 6 0
                                    

nakahiga ako sa kama habang kinakapa ng palad ko ang pisngi ko na hinalikan ni Dark. takte ka Dark! kinikilig ako sa ginawa mo!

"ay pwet ng kabayo!" bigla na lang may naghagis ng unan sa mukha ko. si Anne, yung roommate ko

"ano nanamang kaartehan yan Elmira? may pahawak-hawak effect ka pa dyan sa pisngi mo habang nakasmile at mukang may ini-imagine!"

umayos ako ng upo sa kama at sumandal sa may headboard habang yakap ang tuhod ko

"ah basta, kinikilig ako!"

"ay? ang harot ha! sino ba yan?"

"nakilala ko sa bar"

"ahhh, pakilala mo naman!"

"sige, pag pumunta siya di~~~" biglang nag ring yung phone ni Anne

"okay hon, sige punta ka dito, kami lang ni Mira...k bye, I love you"

haist! kausap nanaman niya yung boyfriend niya na mukang bouncer sa bar. ewan ko ba naman dito kay Anne, sa dinami-dami ng nanliligaw sa kanya yun pa ang napili niya, mukang hindi gumagawa ng mabuti, puro kalibugan! swear! sorry for the word pero yun ang nakikita ko sa relasyon nila. Hindi ko nga sinasabi kay Anne na kinindatan ako ng boyfriend niya nung huli itong pumunta sa dorm, haayst, ayoko ng gulo -.- tsaka malay ko ba kung kirat lang pala yung bf niya -.-

wala pang isang oras nang dumating yung boyfriend ni Anne, naaasiwa talaga ako. mukang may gagawin nanaman silang kababalaghan.

"Anne, labas muna ko ah"

"oh okay, alright!" sabi niya habang nakayakap sa bf niya. sus! gustong-gusto talaga na umalis ako

pumunta ko sa 7/11 para bumili ng ice cream/chocolate flavor. Papalabas na ko nang makasalubong ko si Buenavista, sabay pa nga kaming napahinto. Nginitian ko siya, umangat lang ng unti yung kissable niyang labi, ngumisi lang ^_^

huh? wait! ano ulit yung sinabi ko? kissable? gosh! kung ano-ano nang nasasabi ko.umupo muna ako para mapagmasdan pa siya. Dumiretso siya sa may drinks section, kumuha siya ng....nestle chuckie?! kakaiba talaga ang isang to -.- pagkatapos niyang magbayad sa counter eh tumayo ako para sabayan siya paglabas

"uhmm, may klase ka pa?" tanong ko sa kanya habang sinasabayan bawat hakbang niya

"t-tapos na" diretso lang ang tingin niya

"eh saan ka pupunta ngayon?"

"s-sa Parian"

"ah okay, sasama ako sayo ^_^" tumango lang siya

Madaming nakatambay ngayon sa Parian, lalo na sa mga malililim na lugar, kaya naghanap pa kami ng mas magandang pwesto. parang park ang itsura ng Parian, madaming puno kaya mahangin.

"there Buenavista!" sabay turo ko sa malaking bato na nasa ilalim ng puno, hinila ko ang kamay niya

"oh diba! ang ganda ng pwesto natin" taas-baba pa ko ng kilay ko habang nakangiti "hoy! umimik ka nga dyan! lagi ka na lang ganyan"

"s-sorry" nilabas niya sa paper bag yung sandwich at yung nestle chuckie niya while me, I'm busy licking my choco ice cream

"so, uhmm, wala ka bang mga friends dito?"

"w-wala eh"

"don't worry, ako! pwede mo ko maging kaibigan" walang reaksyon yung muka niyang nakatingin sakin

"oh bakit? ayaw mo ba ako maging kaibigan?" tinaasan ko siya ng kilay

"ah...eh" inabot ko ang palad ko sa kanya para makipag shake hands

Mr. MysteriousWhere stories live. Discover now