10

53 4 1
                                    

Pagkagising ko ay naisipan ko agad na tawagan si Dark pero walang nasagot sa linya niya. kumain at nakaligo na ko pero wala pa din sumasagot. Ano kayang nangyari sa lalaking yun? buhay pa kaya yun?

nakaupo lang ako sa dining table habang nakapangalong baba, nakatingin sa kawalan habang ang mga ka dorm mates kong babae ay nanonood ng tv. tanaw ko sila dahil magkatabi lang naman ang living room at dining area, hindi naman kalakihan ang tinutuluyan namin

"oh Mira anong minumukmok mo dyan?" tanong ni Anne habang naglalagay siya ng tubig sa baso niya, naka red sando ito at napaka igsing short habang nakapuyod naman ang buhok niya "sinong iniisip mo? yung dalawa mong jowa?" natatawa nitong tanong

"anong dalawang jowa?" napatingala ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko

"hoy ha! akala mo ba hindi ako updated sayo? naku ha Mira! alam mo naman ako magaling mag scoop ng mga news everywhere!"

"ewan ko sayo Anne! anong dalawang jowa? eh wala naman akong jowa noh?! at tsaka pwede ba tigil-tigilan mo yang pagkalap mo ng mga chismis ha, ituon mo na lang yang atensyon mo sa boyfriend mo, I mean boyfriends!"

natawa lang siya "ito naman parang hindi naman tayo magkaibigan! mag kwento ka naman dyan!"

"ayoko nga! tsismosa ka eh!"

umupo siya sa tabi ko "ito naman! oh sige ganito na lang, reretohan na lang kita ng lalaki, okay ba yun?"

"ayoko nga noh! mamaya yung irereto mo sakin nagamit mo na, no way!"

"oh eh ano naman? eh tapos naman na yun"

"ayoko nga ng ganun! kung magkakaroon ako ng jowa ayoko nung nagamit na ng paulit-ulit"

"hay naku friend! kung ganyan ka eh hindi ka magkakajowa! tingin mo ba sa panahon ngayon may ganyang lalaki pa? malilibog na mga tao ngayon Mira! eh ikaw ba virgin?"

A moment of silence ....

"hay naku Anne! umalis ka na nga sa harapan ko!" at sabay kaming nagtawanan

"wait lang Mira, di nga? hindi ka na virgin?"

"gaga ka nag jojoke lang ako kanina! virgin pa ko! "

"eh diba naka ilang ex ka? walang nagyari?"

"uhm may nangyari naman pero hindi yung alam mo na, walang ganun! hanggang kiss at hawak lang! that's it!"

"nakatiis ka ng ganun lang?"

"oo naman ang dali dali lang eh"

"shocks hindi ko kaya yun Elmira! ang galing galing mo nagawa mo yun!" pumalakpak siya ng may pagka slow motion pa kaya medyo natawa ako kay Anne

bigla namang tumunog ang cellphone ko at laking gulat ko ng si Dark ang nag text

[Meet me at the club. 10 pm]

napangiti ako sa text ni Dark. ang akala ko kasi ay hindi na siya magpaparamdam sa akin. kapag talaga hinihintay mo ang tagal dumating pero kapag nalilibang ka sa ibang bagay at nakalimutan mo ang paghihintay bigla bigla na lang dumarating

ilang minuto din akong nag make up bago ko sinuot ang red fitted dress ko, backless ito at tinernohan ko naman ng high heels na itim, kinulot ko ang dulo ng buhok ko. bagay na bagay sa akin ang itim na glitters eye liner at pulang lipstick. sobrang pag-aayos ang ginagawa ko dahil nga magkikita kami ni Dark, gusto ko kasi na mas gumanda pa ako sa paningin niya, tignan ko lang kung hindi siya maglaway

but how do I face him pagkatapos nang nangyari sa amin last time, muntik na kasing may mangyari sa aming dalawa at pagkagising ko ay wala na siya. kahit naman ganito ako kumilos eh may kahihiyan pa din naman ako kahit papaano

Mr. MysteriousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon