8

65 7 1
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako masyadong nagpapadala kay Dark at ngayon ay nakahiga na ko sa kama niya at siya naman ay nakapatong na sa akin. Hindi ko alam kung saan ba kami hahantong, may mangyari kaya sa amin ngayong gabi?

Ramdam ko ang init ng hininga ni Dark habang nakapatong siya sa akin, hinubad niya ang damit niya at inihagis lang sa sahig. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at akmang hahalikan kaya pumikit ako

3

.

.

2

.

.

1

Naramdaman kong umalis na siya sa pagkakapatong niya sa akin. Nasaan na yung kiss? Ah este, bakit hindi niya itinuloy? Kinuha niya sa sahig ang damit niya at isinuot muli sa katawan niya

“sorry” yan ang sinabi niya sakin habang nakayuko siya. Lumabas siya ng kuwarto at hindi ko alam kung saan siya pupunta. Nag stay lang ako sa kwarto niya, nahihiya akong harapin siya, muntik ko na kasing maipakita ang perlas ng Silangan ko.

Maya-maya ay napatingin ako sa cellphone ko, 2 am na pala. Haay! Sa bagay wala namang maghahanap sa akin, ni hindi nga ako tinetext ng mga kasama ko sa Dorm eh ,para lang silang mama ko, parang walang pake sa akin nandyan lang kapag may kailangan at iuutos.

Nagising ako sa sunod-sunod na pag beep ng cellphone ko. Sina Sassy, Kyle at Charmie sunod-sunod ang mga texts

Sassy: bess! Nakauwi ka ba kagabi? Hinatid mo hanggang bahay si Dark mo?

Kyle: girl, kwentuhan mo kami ah kung anong ginawa niyo ni Dark. Hihihi

Charmie: babaita! Anes na? musta ang pag aura mo? Haha! Masaya ba ang pag rape mo kay Dark?

Natawa na lang ako sa mga messages nila, hindi ko na sila nireplyan…wala din naman kasi akong load

Bubuksan ko na yung pinto ng kwarto ng mapansin kong may sticky note sa pinto

[Good morning, don’t skip your meal, go straight to the kitchen]

Agad naman akong dumiretso doon at nakita ko ngang may nakahandang pagkain sa lamesa. Ang aga naman niyang umalis sa condo, Saan kaya yun nagpupupunta maliban sa bar. Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong libutin ang condo niya, tama lang ang laki nito, sakto lang sa kanya dahil mag-isa lang naman siya.

Ang dami niyang libro at sobrang ayos ng pagkakalagay, tingin ko nga ay naka organize talaga ito at may sariling pwesto, nakakatakot tuloy galawin, nakita ko pa naman yung pinaka paborito kong libro ni Nicholas Sparks na The Notebook

Naka agaw pansin naman sa akin yung isang libro na may nakalagay na picture sa loob, nakalawit ito kaya naman tinignan ko, napaka pakielamera ko talaga

“sino to?” kumunot ang noo ko at tinitigan ang batang lalaki na nakasalamin sa larawan “si Dark ba to? Ang layo naman ng itsura niya nung bata pa siya at sa itsura niya ngayong matanda na siya” may parang nakasipit na isang litrato sa isang pahina, kukunin ko sana ito pero biglang nag ring ang phone ko, 5 % na lang ang battery ko 

Mr. MysteriousTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang