3

127 6 1
                                    

nandito ako ngayon sa Quadrangle ng school namin, hinihintay ang aking mga kaibigan na sina Sassy,Charmie at Kyle, nasa 7eleven pa daw sila, late akong pumasok kaya hindi ko sila kasabay. Ang daming tao ngayon sa Quadrangle dahil naghahanda na sila para sa event mamaya, pupunta daw ang Callalily, Silent Sanctuary, spongecola at si Ely Buendia

"OMG! magpapapicture talaga ko kay Kean Cipriano mamaya!" dinig kong sabi ng babae sa may kabilang bench

"ako din! ako din! crush ko si Kean Cipriano eh!" sabi nung kasama niyang babae

 habang tinitignan ko lang ang mga taong dumadaan sa harap ko nakita ko bigla si Eon Drake Buenavista kaya napangiti ako bigla, tumayo ako para lumapit sa kanya, alam kong nakita niya ko! as usual, umiwas nanaman ang mokong

"wait Eon!" pero bigla na lang may humarang sa harapan ko, yung mga babaeng nasa kabilang bench kanina

"Elmira Fuentes? yung nanalo sa MS.Campus last year? pwede magpapicture kasama ka?"

urgh! lakas maka artista ng mga to pero sige pagbibigyan ko na

"sure" agad namang nilabas ng isang babae yung phone niya at nagpapicture

hindi pa naman nakakalayo si Eon Drake kaya hinabol ko siya

nagulat siya ng bigla kong hawakan ang braso niya, kamuntikan pa nga akong madulas

"uhmm..sabay na tayong pumasok sa room" nakangiting sabi ko sa kanya habang nanlalaki ang butas ng ilong ko dahil nga hiningal ako sa paghabol sa kanya. tumango lang siya na parang nahihiya pa.

"manonood ka ba ng mini concert mamayang gabi sa Quadrangle?" tanong ko sa kanya habang nakasakay kami sa escalator ng school. as usual, sumagot nanaman siya ng hindi nakatingin sakin at wala man lang words na lumabas sa bibig niya, iniling lang niya ang ulo niya na nagsasabing hindi siya manonood.

pagkapasok namin sa room, lahat nakatingin samin, nakakapit lang naman kasi ako sa braso niya at abot tainga ang ngiti ko, tinanggal ko lang yung kapit ko sa kanya nang maghiwalay na kami ng table

wala pa sina Sassy???? SHOCKS! hinihintay ko nga pala sila kanina, pffft!

biglang may humigit ng buhok ko "hoy bruha!" si Charmie "langya! akala ko ba hinihintay mo kami sa Quad?"

"eh kasi~~"

"oo nga! hinanap ka pa namin dun tapos ayaw mo pang sagutin yung phone mo!" -Kyle

"eh kasi nga~~~~"

"ano nanamang kalandian ang ginawa mo?"

"teka nga teka nga! ito na nga oh! I was about to explain. dada naman kayo ng dada!" nagsimula silang palibutan ako at hininaan ko yung boses ko "eh kasi, nakita ko si Eon Drake sa Quad, sinundan ko siya kaya sinabayan ko siyang pumasok" medyo natatawa-tawa ko pang sabi

"eh? so? anong meron sa kanya?" -Kyle

"tsk! si Sassy lang kasi ang updated eh! eh kasi nga I will bring him closer to me"

"pfffft! HAHAHAHAHAHAHAHA!" Charmie at Kyle

"seryoso?! bakit siya?" -Charmie

"bakit ba?! pake niyo ba?! eh interesado ako sa lalaking yan, ang sungit kasi sakin tapos hindi pa masyadong nagsasalita, nahihiwagahan ako sa pagkatao niya"

"ganern? want some help?" -kyle

lumaki ang mga mata ko at napangiti ng pagkalaki-laki "talaga?! sige sige"  

.

nagsimula na ang klase. discussion at recitation tapos maya-maya nagpa grupo yung prof. namin

Mr. MysteriousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon