12

38 2 1
                                    

Nakita ko na lang na nakahandusay na si Eon sa sahig, naka jacket ito at nanginginig sa lamig. Nilapitan ko siya at pinilit na itayo at sa bigat niya ay napaupo din ako sa sahig. Pareho na kaming nakaupo sa sahig, maya maya ay naramdaman kong nakayakap na ito sa akin at umuungol na parang hirap na hirap na sa sitwasyon niya. Mas yumakap pa ito sa akin ng mahigpit. Hindi ko alam pero bakit bumibilis at tibok ng puso ko, parang gusto ko yung ginagawa niyang pagyakap sa akin

"omg" narinig kong sabi ni Denny na kakarating lang galing sa kusina dahil kumuha ito ng pagkain. lumapit ito sa amin at tinulungan akong itayo si Eon at inihiga namin sa kama "pasensya ka na ate Mira "uminom na ba siya ng gamot?" tanong ko kay Denny at sinabi nitong hindi pa dahil ayaw daw nitong uminom ng tabletang gamot,napipilitan lang daw itong uminom kapag nandito ang magulang nila "Denny, Ako na ang bahala sa kuya mo"  Kinuha ko ang remote ng aircon para i-off ang aircon "dapat hindi siya naka aircon, kailangan niyang pagpawisan para bumaba ang lagnat niya" pinakuha ko si Denny ng bimpo at tubig na may yelo at alcohol at siya kong ipangpupunas sa katawan ni Eon 

Binimpohan ko ang noo niya, buong muka niya hanggang leeg. Nakapikit lang si Eon habang ginagawa ko ito, mukang hirap na hirap nga siya, kawawa naman. tatanggalin ko na sana ang butones ng pantulog na damit niya nang narinig kong nag chuckle si Denny, napatigil ito nang tinignan ko siya at nag peace sign "uhmm sorry, gusto mo ikaw na lang gumawa nito sa kuya mo?" tanong ko dito "ah hindi na ate, di ako marunong eh. hehe! ikaw na lang ate, support support na lang ako dito. hehe" pansin ko kay Denny na madalas niya akong asarin sa kuya niya, ano ba talaga ang meron? 

Tinanggal ko na ng tuluyan ang butones ni Eon. Napasabi ako ng shit sa isip ko, paano ba naman kasi, may abs pala tong lalaking to, so nag woworkout siya? hindi halata, akala ko puro aral lang ang alam ng lalaking ito,  pwede din pala siyang pang fitspiration, hihi! sandali nga lang, kung ano-ano nanaman ang piinag-iiisipi ko. Dahan-dahan kong pinunasan ang dibdib niya pababa sa pusod niya "ate Mira!" medyo nagulat ako kay Denny, tumingin ako sa kanya "ate, ibukas mo na ng todo yung damit ni kuya para mapunasan mo ng maigi" with action pa na nagbubukas ng damit "ah eh, kasi ano. uhmmm.. okay na to" sabi ko "eh ate, ang haba kaya ng damit ni kuya, hindi mo mapupunasan ng maayos yung braso niya, sige na ate tanggalin mo na" 

Dahan-dahan kong tinaggal ang buong damit niyang pantulog. "Grabe! bakit ang hot ni Eon?! bakit?!!!!" tanong ko sa sarili ko, pinipigilan ko yung panginginig ng kamay ko habang dumadambi sa katawan niya ang bimpo, pati ba naman utong niya hot?! hay naku Mira! kung ano-ano nang pumapasok sa isip mo! bakit ba kasi kapag nasa school si Eon ay balot na balot lagi ang suot at nakasalamin pa ng malaki at bilog na bilog tapos lagi pang naka gel na parang dinilaan ng kalabaw yung buhok pero ngayon wala siyang salamin at gulo gulo ang buhok niya, parang may kamuka nga siya eh 

"ate Mira, ito oh, kumain ka muna" 

"busog na ko" sagot ko habang pinupunasan ko ang tiyan ni Eon sa may bandang abs, napatawa si Denny "muka ngang busog na busog ka na ate" bumalik ako sa wisyo at na realize kung ano yung nasabi ko kay Denny, goshy! nakakahiya!! "ah ano kasi.. ahh.. nabusog ako kanina sa bar kaya di pa ko nagugutom" bigla namang tumunog ang sikmura ko, oh sige na nga! gutom na talaga ako "hehe, sige kakain na ko" kinuha ko yung tinapay na inihanda ni Denny "ang cute mo talaga ate Mira!" abot tenga ang ngiti nito sa akin, malapit na talaga akong mahiya ng tuluyan sa batang to, parang feeling ko ayoko nang bumalik dito sa bahay nila. bakit Mira? may rason pa ba para bumalik ka dito? wala naman diba? paalala ko sa sarili ko 

Napatingin ako sa paligid ng kuwarto ni Eon, syempre malaki ito dahil mayaman naman ang pamilya nila, napatitig ako sa table na puro picture frame nilang mag-anak. lalapitan ko sana ito nang hawakan ako ni Denny sa braso "ay ate! may ipapakita ako sayo" hinila niya ako at may binuksan sa pader ni Eon, namangha ako kung titignan kasi ay para lang din itong pader pero may lagusan pala ito

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. MysteriousWhere stories live. Discover now