6

74 6 0
                                    

Sabay kaming pumasok ni Sassy dahil nga sa dorm naman namin siya natulog. yun nga lang nalimutan magdala ng panloob niya kaya pinahiram ko pa tong babaita na to.

"uy bess, una ka na sa classroom, papaload lang ako sa bookstore"

pagkatapos kong pumunta sa bookstore, nakita kong lumabas sa chapel si Buenavista kaya naman agad ko siyang nilapitan

"Eon!" lumingon siya sa akin pero bigla ding umiwas. eh? bakit iniiwasan na niya ulit ako?

hanggang sa mag break time hindi niya ko...kami! pinapansin!

"hay naku bess, hindi ka pa nasanay dun sa Eon Drake Buenavista na yun!" sabi ni Sassy sabay inom sa mountain dew niya

"eh kasi nga akala ko okay na, hindi na siya maiilang sakin...uhmm satin!"

"achuchu!umamin ka nga! may gusto ka na sa kanya noh?!" -Kyle

"huh? w-wala ah" napayuko ako

"haha! gosh you're blushing!" -Charmie

"tsss! che! bilisan niyo na ngang kumain, baka ma late nanaman tayo kay Sir Duncan"

"opo Miss Elmira Fuentes na naiinlab na kay Eon Drake Buenavista!" -Sassy

"hindi nga sabi! tsk!"

"oo na! oo na! hindi na kung hindi! haha!"

"anyway! hindi pa namin na mi-meet yung Dark mo, kayong dalawa lang ni Sassy yung nakakita sa sinehan, ang daya! di niyo man lang tinuro samin ni Kyle!" natatampong sabi ni Charmie

"uhmm, hindi na nga masyadong nagpaparamdam yun eh at tsaka bigla-bigla lang naman yung sumusulpot, isa pa yung weird eh!misteryoso din!"

biglang tumunog ang bell kaya umakyat na din kami sa classroom.pagbukas namin ng pinto, sabay-sabay na nagsitinginan yung mga classmates namin na para bang may ginawa kaming krimen.

discuss, recitation, seatwork........dismissal

"uhm guys, mauna na ko ha" pagpapa-alam ko sa kanila

"oh may lakad ka?" nakakunot ang noong tinanong ako ni Sassy

"uhmm..ah oo! kaya mauuna na ko! bye!" bineso ko sila isa-isa narinig ko pa ngang nagsalita si Kyle "anong meron? saan naman kaya ang lakad at mukang madaling-madali siya. hoy babae! ingat ka baka matapilok ka!" nagmamadali kasi akong tumatakbo pababa ng hagdan

gusto kong sundin yung sinabi sakin ni Sassy kagabi. wala namang masama kung mag s-stalk ako kay Buenavista. hindi ako nagpahalatang sinundan siya sa may parian, doon kasi ang daanan ng mga estudyanteng palabas ng LU (Ligaya University)

ang bilis niyang maglakad, ang haba naman kasi ng biyas kumpara sa akin diba?! -.- sa sobrang bilis ng paglakad ko hindi ko na napapansin yung dinadaanan ko

"ouch! shet!" natapilok ako, mabato kasi ang daan dito sa parian kaya kapag hindi ka nakatingin ng maayos sa dadaanan mo eh talagang matatapilok ka, kagaya na lang nitong nangyari sa akin. great -.-

"miss, okay ka lang?" agad naman akong tumingin sa papalayong si Buenavista, hindi dapat siya mawala sa paningin ko "o-okay lang ako" sabi ko dun sa isang estudyanteng lalaki na naka tourism na uniform

"ikaw yung Ms.Campus last year right?" nakangiting tanong nung lalaki sa akin

"y-yes, ako nga. sige thanks, mauna na ko" sinubukan kong tumakbo kahit ramdam ko yung sakit sa may ankle ko

napahinto ako ng biglang huminto si Buenavista sa paglalakad, may humintong sasakyan sa harap niya.

"aray!" nabangga nung babae yung ankle ko. bigla itong kumirot at nakita kong may tumutulo ng dugo, what the eff?! ang sakit!!!! pumunta ako sa may gilid para tignan ito, kinuha ko yung wet wipes ko para punasan ito. tangina ang hapdi!!! napahawak na nga yung isa kong kamay sa may poste

Mr. MysteriousKde žijí příběhy. Začni objevovat