11

56 3 4
                                    

Umaga pa lang ay naka pack up na ang mga gamit namin para sa TV Commercial na gagawin namin kung saan ako ang mag bibida at si Dark. Sakay kami ng sasakyan nina Kyle, nagpahatid siya sa driver nila kaya naman mabilis kaming nakapunta sa bar kung saan gaganapin ang shoot

"yung story board naka ready na ba?" tanong ko kina Sassy, Charmie at Kyle

"ay wait nasaan na nga ba yun?" hindi maisipan ni Charmie kung paano bibitbitin ng maayos ang mga gamit na hawak niya, may bitbit siyang dalawang bag na may lamang props at mga damit. natatawa kami sa itsura ni Charmie, pawis na pawis na ito, sa aming magkakaibigan siya talaga ang pinaka masipag at ang nag o-organize ng lahat, kung wala siya baka nagkakagulo na kaming tatlo dito "hala! Na kay Eon yung story board natin, siya nga pala ang tumapos nun"

tinatawagan ni Sassy ang no. ni Eon pero wala namang sumasagot

"just text him" utos ko

ilang minuto lang ay nag reply na ito "okay daw dadalhin na daw ditto yung story board" –Sassy

Ano nanaman kaya ang eksena ng lalaking yun? Sinabi na nga na dapat maaga kami magkikita-kita pero hindi pa din siya sumunod

 "hindi pa ba darating yung jowa mo Elmira?" tanong ni Kyle

"hoy hindi ko jowa yung nerd na yun ha! Tawagan niyo nga! Or i-text niyo ulit"

ngumiti silang tatlo kaya kumunot ang noo ko "anong problema niyo? Bakit ganyan yung mga muka niyo? Mukhang nakakaloko" sabay irap ko

"eh kasi naman si Dark ang tinutukoy ko hindi si Eon" then Kyle poked me

"ah..eh... eh.. kasi naman! Hindi mo nililinaw yung tanong mo kaya ang akala ko tuloy si Eon ang tinutukoy mo"

"asus! Palibhasa si Eon ang nasa isip mo! Ayiee! Eon!" pang-aasar ni Kyle, pati sina Charmie at Sassy inaasar na din ako

"ahem!" napalingon kaming apat sa kung sino man ang nag "ahem" na yun

"oh Dark!" nakangiti kong bati sa kanya, lumapit siya sa amin

"Are we ready?"

"uhm oo okay naman na kaya lang wala pa yung isa naming ka grupo eh, yung nag-iisang lalaki sa grupo namin"

"so Are we going to wait for him before we start the shoot?"

"uhm oo eh, We need to wait for him kasi na sa kanya yung story board"

"I think we can start even without that story board, it's just a guide actually. Let's go?" hinila niya ang kamay ko papasok sa bar, wala na kong nagawa

"so what's the first scene?" tanong ni Dark

"una, magsasayaw muna kayo sa dance floor, medyo malayo pa kayo sa isa't-isa" pag e-explain ni Charmie

Kasama din namin sa shoot ang mga ilan naming kaibigan sa bar, solo pala naming tong bar na to, binayaran kasi namin ang may-ari pero 9 am hanggang 3 pm lang kami dito

Nakasuot ako ng white crop tank top na kita ang pusod ko, fitted white jeans at white killer heels, All white ako ngayon. kinulot naman ni Sassy ang mahaba kong buhok, light make-up lang ang nilagay ko sa mukha ko pero kinapalan ko naman ang paglagay ng red lipstick sa manipis kong labi. Si Dark naman ay All white din, white polo na tinupi ang sleeves, na nakabukas ang mga butones at may black na sando sa loob. White ang napili naming theme para lalong ma emphasize ang kulay ng product na pinapakita naming sa commercial naming at yun ay ang "The Bar"

Sinimulan na namin ang first scene, tumugtong ang kantang "Bang Bang" ang saya ng music na to na kahit yung mga taong hindi naman magaling sumayaw eh mapapasayaw. I just act normal, sumayaw ako katulad ng pagsasayaw ko kapag nandito ako sa bar, si Eon ay tipid naman sa kanyang galaw pero sobrang hot pa din niya

Mr. MysteriousWhere stories live. Discover now