2

121 7 1
                                    

nagising ako sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana, tapat na tapat ito sa mukha ko kaya naman isang mata ko lang ang nakamulat ngayon

"hey wake up na pooo!" -Sassy

"tsk! sinasabi na nga ba, sinadya mo nanamang buksan yang kurtina mo "

"you're right I opened it for you to be able to wake up na, come on! get up!"

"pwede bang pakibaba ulit ng kurtina at antok na antok pa ko, ang sakit pa din ng ulo ko eh!"

"hay naku Elmira Fuentes! bumangon ka na dyan, let's just have coffee to ease your hangover!"

"okay fine! para namang may magagawa pa ko! nakakahiya naman sayo na may-ari nitong condo noh!"

"Ay wow ngayon ka pa nahiya ha?!meron ka pala nun?"

"ay! ang hard mo Sassy ha!"

wala na kong nagawa, bumangon ako, naligo at nakihiram ng maisusuot na damit kay Sassy, black sando and maong shorts, hiniram ko na din pati yung yellow flip-lop niya

"uhm one Vanilla Macchiato, ikaw Elmira?"

"uhm, Caramel Macchiato and Ham & Cheddar Sandwich"

umupo kami ni Sassy malapit sa may window, tanaw na tanaw ko ang magagandang halaman at bulaklak sa labas, ang ganda talaga dito sa lugar nina Sassy, bakit ba hindi ko naisipang tumira na rin lang dito at kumuha ng sarili kong unit pero dahil tamad ako bumiyahe papuntang school eh dun na lang talaga ko sa Dorm na katapat lang ng school.

habang iniinom ko ang Caramel Macchiato ko, nanlaki ang mga mata kong napatingin sa may entrance ng starbucks. kinalabit ko agad si Sassy na busy sa pag w-wifi

"ano ba yun wait lang! ka chat ko pa yung boyfriend ko eh!"

"tingin ka dun dali! mamaya na yang boyfriend mo!"

"tsk! oo na saan ba~~~ 0.0

"see! siya yun diba?!"

"oo nga Mira! di kaya dito din nakatira si Nerdy boy?"

"siguro nga or baka naman naki starbucks lang?"

"baka sinundan ka niya dito Mira"

"huh? bakit naman niya gagawin yun noh?"

"eh diba parang type ka nyan? haha!"

"che! sayo na lang siya noh!"

"pero in fairness, gwapo naman siya eh, cute pa! baduy nga lang, haha!"

"hmp! type mo lang eh"

"pffft! excuse me Elmira?! ang layo ng face niya sa face ng boyfriend ko ha!"

basketball player sa La Salle ang boyfriend ni Sassy. gwapo,maputi,matangkad, maganda ang pangangatawan at mayaman.

"ano nga ulit pangalan niya?" tanong ko kay Sassy, swear! di ko memorize ang mga pangalan ng mga classmates ko and besides, as far as I know, sa isang subject ko lang classmate ang isang to

"Eon? tama! Eon Drake Buenavista"

"pffft! hahaahahha!"

"uy Elmira, anyare sayo?"

"eh kasi...hahahahaha!!! ang....hahahaha!! ang hot ng name niya! hindi bagay sa kanya! hahahaha!"

"hahahaha! oo nga noh?!"

habang tumatawa ako ay nagkatitigan kami ni..pfft! Eon Drake Buenavista, nginitian ko siya at nag wave pa ko ng kamay

"hi Eon Drake Buenavista!" masayang pagbati ko sa kanya

Mr. MysteriousWhere stories live. Discover now