5

69 6 0
                                    

====Sa School=====

"paano mo naman napapayag agad?" -Sassy

"hindi nga agad-agad eh, nung una ayaw pa niya"

"iba ang kamandag ni Elmira! haha!" -Kyle

"syempre ako pa! eh isang tao lang naman ang hindi pa natatablan ng kamandag ko eh" tumingin ako sa gawi ni Buenavista, halata namang nakikinig siya sa usapan namin, napaiwas nanaman siya ng tingin

"guys, gagawa pala muna tayo ng storyboard for our tvc, so san tayo gagawa?" -Charmie

"sa bahay nina Buenavista!" pagyaya ko

"huh?" gulat naman siyang tumingin samin

"oh bakit ayaw mo? okay lang sige, guys tayo-tayo na lang"

"h-hindi hindi! sige, dun na lang sa bahay namin" first time ko lang ata siyang narinig na magsalita ng mahaba, oo pinakamahaba na yan sa mga nasabi niya kapag kausap ko siya 

"good, after dismissal"

 "ha?!p-puwede b-bang bukas na lang?"

 "hindi pwede" hindi talaga pwede dahil pupunta kami sa Royals Club

=Dismissal=

"tara na guys" agad akong tumayo at lumapit kay Buenavista

 "excited much Elmira?! haha!" -Sassy

"h-huh? h-hindi ah, kailangan lang talaga nating makagawa na ng story board"

 "achuchu! okay sabi mo eh" -Kyle

 "uy Buenavista, tara na, dalhin mo na kami sa bahay mo" -Charmie

 inayos niya muna ang nerdy glasses niya bago kinuha ang bag niya at tumayo. sabay-sabay kaming naglakad palabas ng school

 "Don't you have a car?" -Sassy

 "ah..w-wala eh"

"okay lang yan guys! commute na lang!" nakangiti kong sabi

naalala ko nung nakita ko siya sa coffee shop, meron siyang bisikleta, hindi naman pwede na yun ang sakyan namin

"oh my gosh!" -Kyle

"hoy hoy! ang aarte niyo ha! akala niyo naman hindi kayo sanay na mag commute! sinusundo lang naman kayo ng mga boyfriend niyo na may sasakyan!"

 "whatever! tara na lang nang matapos na to" -Charmie

kailangan pa naming sumakay sa lrt papunta sa bahay nina Buenavista

"uhm, E-Elmira, a-ako na magbabayad s-sa ticket mo" nauutal nanaman siya -.-

 "ah okay sige, salamat"

"hoy Buenavista! bakit si Elmira lang ililibre mo ng ticket?! kami din!" pagkatapos sabihin yun ni Kyle ay nag reklamo na din sina Charmie and Sassy. hay naku! nakakawindang ang kakapalan ng mga muka nila, kung hindi ko lang talaga sila mga kaibigan! -.-

mga 2 pm kami nakasakay sa lrt, punong-puno ng tao pag mga ganitong oras kaya naman nakatayo lang kami. nagulat naman ako nang bigla akong hilahin ni Buenavista

 "dito ka" pinaupo niya ko sa isang bakanteng upuan, na touch ako dun

 "s-salamat" bakit nauutal na din ako? -.- sina Sassy naman, iba nanaman ang tingin sa amin 

.

 "sigurado ka bang bahay niyo to Buenavista?!" namamanghang sabi ni Kyle

 "wow! ang ganda naman!" -Sassy

Mr. MysteriousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon