9

65 5 0
                                    

Katabi lang ng tinutuluyan kong dorm ang school namin pero late pa din ako, hindi nga dapat ako papasok pero tinadtad naman ako ng text mesages ng mga kaibigan ko kaya pinilit ko na lang yung sarili ko na pumasok kahit tamad na tamad ako.

Napagod  ako sa mga nangyari sakin simula pa nung isang gabi na hinatid ko si Dark sa condo niya at nung bigla akong iniwan ni Eon Drake. Masama ang loob ko sa pag-iwan niya, wala kaya akong pamasahe! eh ang layo kaya nung Library na pinuntahan namin, yan tuloy lalo akong napalayo sa dorm ko. Humanda ka sakin Eon!

==sa School==

Nilapitan ko si Sassy sa upuan niya, busy siya sa pagbabasa ng libro namin na Economics. Napatingala siya sa akin

“uy bess! Buti naman at pumasok ka” medyo napapatawa si Sassy habang nakatingin sa akin

“anong problema mo? Bakit ka natatawa?!”  hinila ko yung upuan sa harapan niya, humarap akong muli sa kanya at umupo doon

“muka ka kasing panda! Tignan mo yung gilid ng mata mo oh! Nangingitim na!”

“tsss! Eh paano ba naman kasi dahil to sa dalawang lalaki eh!”

“huh? Dalawang lalaki? May dalawang lalaki ka? Lalakero ka na Elmira?!”

“baliw hindi! Si Dark at si Eon! Lalo na yang Eon na yan! Iniwan ba naman ako sa lugar na pinagdalhan niya sakin! Sa lugar ng mga weird na tao!”

“oh eh anong nangyari sayo?”

Napatingin ako sa may pinto at nakita ko si Eon. Umupo siya sa upuan na malapit sa amin. Sinundan ko siya ng tingin, napatingin siya sa akin sandali pero yumuko naman din agad sabay lapag ng bag niya sa table niya, may kinuha siyang libro sa bag niya. Kasing kapal ng salamin niya sa mata yung libro.

“anong tanong mo bess? Anong nangyari sa akin?” habang sinasabi ko yan sinusulyapan ko si Eon, gusto ko na marinig niya ang sasabihin ko

“ganito lang naman bess, pagkatapos akong iwanan nung lalaki na nagdala sa akin dun sa Library eh naglakad ako ng pagkahaba-haba! bago ako makarating sa dorm eh nagka paltos paltos pa yung mga paa ko. Kung hindi lang sana ako dinala nung lalaking yun sa lugar na  yun malamang nakauwi na ako agad.”

“eh bakit hindi mo kami tinawagan?”

“isa pa yan bess! Lowbatt yung phone ko kaya no choice ako at isa pa bess! Ang hirap ng sakayan sa lugar na yun. Hay grabe talaga!  Pagkatapos niya akong dalhin doon eh iiwan lang pala niya ako” napapansin ko naman na napapatingin si Eon sa gawi namin pero mabilis ang pag-iwas nito

“hello girls!” si Kyle at si Charmie na may dala-dala pang mga pagkain

“kain muna kayo oh, wala pa naman si sir” –Kyle

“ay Mira, kalian ba natin sisimulan yung shoot para sa Adver natin?” tanong ni Charmie

Mr. MysteriousWhere stories live. Discover now