7

77 7 0
                                    

 

"kainis ka! kasalanan mo to eh! kung hindi ko sinunod yung sinabi mo eh di sana hindi mangayayari sakin to" pilit kong hinihinaan yung boses ko habang kausap ko si Sassy sa cellphone

"wag ka ngang OA dyan Elmira ha! ayaw mo nun? eh di mas makikilala mo pa siya! eh diba yun naman yung gusto mo?! then grab that opportunity!"

"pero alam mo in fairness, ang babait nung mommy, daddy at nung kapatid niya, asikasong-asikaso nila ako dito, pati nga yung mga kamag-anak niya, grabe nakakatuwa sila, super happy silang tignan" hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako

"kamag-anak?! pinakilala ka na niya sa mga kamag-anak niya?! kayo na?! kayo na?!"

"kalma lang ha! hindi! birthday lang kasi nung daddy niya"

"ahhh, akala ko naman"

"tss! nah! he's not my type. wala akong gusto sa kanya" bakit parang hindi ako satisfied sa sinabi ko? parang feeling ko hindi ako nagsasabi ng totoo

narinig kong bumukas yung pinto ng kuwarto na pinag s-stayan ko ngayon...si Denny

"wait lang, later na lang ulit" binaba ko na muna yung phone ko

"hi ate Elmira, ito na yung damit mo oh, akin to, suotin mo muna, magka size lang naman ata tayo"

"thanks, sorry sa abala ah"

"nu ka ba ate! wala yun, kami naman ang nag insist na matulog ka dito ^_^ I know naman that someday magiging part ka na din ng pamilya namin"

"huh?"

"ah wala wala! haha! sige ate magpalit ka na ng damit mo, sleep well ate Elmira" kiniss niya ko bigla sa cheeks. super sweet ng batang to :) how I wish meron din akong kapatid na kagaya niya

maayos akong nakatulog, sa lambot at ganda ba naman ng kama at idagdag pa ang super mala freezer na Aircon nila, gusto ko nga sanang hinaan pero di ko alam kung paano, baka masira ko pa, dagdag kahihiyan pag nagkataon, iba naman kasi yung aircon sa dorm namin sa aircon nila, masyadong hi-tech to -.-

"Good morning ate Elmira!!!!"

"ay pwet ng kabayo!" napaupo ako sa kama dahil sa gitla ko

"haha! ang cute mo talaga ate Elmira!" lumapit sakin si Denny at kinurot ako sa pisngi

Mr. MysteriousWhere stories live. Discover now