01: Kuryente

1.7K 32 3
                                    



Bea's POV


"Asan ka na ba, Maks?" inis ko ng tanong sa babaeng to.



"Teka lang, Beiii. Traffic konti. Malapit na talaga. Promise!" binabaan ko na dahil ako'y naiinis na. 



Kanina pa ako dito sa labas ng bahay niya. Nag-away kami ng boyfriend ko na naman eh.

Buti wala kaming training ngayon. Umalis papuntang Thailand si Coach Tai and to pay respect sa pumanaw niyang kapamilya, no training today.  Kakasali ko lang actually sa team kahapon. So medyo, di ko pa kaclose ang teammates ko.


Ayun na nga! Nag-away na naman kami ni Ged. Gagung yun eh. Nag bar kagabi to make sure na may pake ako sa kanya. Eh sa di ako naniwala na nasa bar siya kaya tinulugan ko. Ayon, galit. Di ko raw siya mahal. 



Katulad niya ba talaga ang gusto at mahal mo?


"Hay salamat at nandito ka na!" sigaw ko nang nakita ko ang sasakyan ni Maki. Not minding what my mind just said. "Juskopo salamat at buhay si Maki."


Sinapak pa ako nito na parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. "Whoah! Thank you ha?"


"You're welcome." Sarcastic niyang sagot. "Pero aba, De Leon ha? Dapat worth it ng 35 minutes ko ang sasabihin mo! I ditched my Bio class for you, jusmiyo!" napatawa na lang ako sa kaibigan kong to. She's always there.


"Nag-away na naman kami." nagbuntong hininga na lang siya. "Nagpunta sya ng bar kagabi at di ako naniwala. He was testing me if I really love and care about him."



"Aba ang matured ha?! Tas nagalit kasi.." bigla niya akong tinignan. "Teka.. bat di ka naniwala na nasa bar siya? Kung ako yon, Beatriz jusko, bubula na bibig ko! Natawagan ko na yon kahit di kami magkarinigan kung nasa bar siya!"


Bakit nga ba? Bakit di ako nagdalawang isip na baka.. baka nasa bar nga siya?



"Baka naman, Bea ha..." iniling ko ulo ko.

"No no no. Stop, Maki!"


"I said nothing. Baliw to!" tumawa siya at huminto rin. She looked at me and sighed. "Iconfirm mo na nga yang sarili mo. Ito na ang di ko mabilang na away niyo sa loob ng 5 months at ang tanging dahilan ay.."


"...ang parang wala akong pake." pagdugtong ko.

Ano bang icoconfirm ko? Straight ako.. straight ako?



Bumalik na ako ng Ateneo at bumalik na rin si Maki sa kanyang class. Pagkapasok ko sa dorm, ang babaeng naka white na nanonood ng TV sa sala ang naabutan ko. "Uy.." bati ko.


Siya yung partner ko kahapon sa first training ko. "Uy, hi!! Ano nga pangalan mo ulit?"

"Isabel Beatriz. Bea na lang." at ngumiti ako sa kanya.


Napansin kong medyo namula siya. "Ah.. h-hi, Bea. Jhoana Louisse. Jho na lang." inayos niya upo niya at ngumiti rin. "W-wala pala silang lahat. Nag foodtrip." pumunta ako ng kusina para kumuha ng tubig habang nagsasalita siya.



"Bat di ka sumama, Jho?" pagtataka ko.


"Ang sakit ng puson ko, beh eh! Di keri gumala! Ngayon nga lang ako bumaba eh." napangiti na lang ako. Beh daw. "Huy! Bakit ka nakangiti diyan? Para kang baliw, Bea!" tas tumawa siya.


Cute.


"Tawang-tawa si beh." pagdidiin ko sa beh. Huminto naman siya sa pagtawa at lumaki ang mata. "Akyat na ko, beh." sabay kindat.


"BEAAAA!!!" sigaw niya at akmang hahabulin ako sa kwarto. Nahiya ata. Hahaha. Cute.

"Hala, roommates pala tayo?!" gulat na gulat niyang sigaw.


"Hmmm... roommates kami ni beh. Aba exciting to!" sabi ko in a very exciting manner na nagpainis sa kanya at sinapak ako ng very light sa braso.


First time na ganito ako sa isang babae. Parang may dumaloy na kuryente. Weird.



Delikado tayo.

A Hundred Days | JhoBea - Book 1Where stories live. Discover now