02: Jho

1.3K 27 0
                                    

Ang aga ko nagising: 5AM pa lang.


Pagkababa ko, nandon na sila Jia at Giezelle na naghahanda ng almusal.

"O, Jho! Ang aga ha? First time!" tinawanan ko lang si Gi. "Sha nga pala, alam mo na ba?" pasigaw niyang tanong ng very light dahil nasa CR ako.


Nagmugmog ako tas sumagot. "Ang alin, Gi?"


"May bago raw tayong makakasama sa team!"


"Papi daw sabi ni Ponggay. Nakita niya sa BEG kahapon. Nag tour ata." kilig na kilig na sabi ni Jia.


"Aba! Delikado si Jia at Ponggay today!" I merrily said. Akmang itatapon naman ni Jia sakin ang hawak niyang plato. "Joke lang hehe" tas nag peace sign.

Nagising na rin ang iba at saktong ready na ang hapag. Halatang excited sila today. "Abay delikado pala lahat ng teammates ko." asar kong sabi.

"Alam mo na ba, Ate Jho?!" -Ponggay
"Friend, no regrets to!" -Mich
"Ito na talaga, naf-feel ko na!!" -Ponggay


"Feel ang alin, Pongs?" natatawa kong tanong.


"Forever, Ate Jho. I feel forever." nilagay pa niya kanang kamay niya sa puso niya. Nag acting naman ako na parang masusuka.


"Corny mo, Pongs. Ikain mo na lang yan." natawa naman ang ibang girls.


After an hour sa paghahanda, we are all headed sa BEG now. 6:15 na; 6:30 training ngayon.


Sila Mich, Ponggay, Jia--scratch out! Halos silang lahat ay parang tumatakbo na papuntang BEG. Napatawa na lang ako.


Pagdating namin, nagpaganda ang mga bruha. "Ay grabe sila! Palakpakan whoo!" sigaw ko nang halos sabay sila nag retouch.


"Babae ka ba, Jho? Mag-ayos ka naman para sa papi!" sabi ni Gi sakin.


"Eh kayo babae ba talaga kayo?" natawa silang lahat sa sinagot ko. Napatigil sila sa retouch sesh nila nang dumating na sila coach.



Si Coach Sherwin na ang nagsalita habang nasa tabi niya si Coach Tai. "Good morning, Lady Eagles. Today, may bago kayong makakasama sa team. She is from Poveda and--" biglang napatigil si coach dahil tumunog phone ko. LUH SI MAMA.


I mouthed sorry po at nag peace sign. "Answer it, Jhoana."

Tumango naman ako at nagsorry ulit. I headed to the bleachers at sinagot na.


"Hello, Ma?"

"Jhoana, kumusta na diyan sa Ateneo?"

"Ma, okay lang ako. Nagt-training kami ngayon, Ma. Actually."


"Ay hala, sorry nak. Sige balik ka na don. Ingat ka diyan ha? Pagbutihin mo! Kaya mo yan!"

A Hundred Days | JhoBea - Book 1Where stories live. Discover now