10: Mystery

942 21 2
                                    


Jho's POV


Nagising ako dahil sa ingay ng mga nagsasalita na nasa paligid ko. Sinubukan kong mulatin ang mata ko at nakita ko ang blur figures ng teammates ko. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago tuluyang makita sila ng klaro.


"Hay salamat at nagising ka na, Ate Jho!" sigaw ni Ponggay na lumapit agad sa akin para yakapin ako. Lumapit din sila Jamie, Kimmy at Deanna para yakapin ako at sinabing nag-alala sila.


"Alam mo ba na limang oras kang tulog?! Di namin alam anong gagawin namin sa'yo, Jho!" napapanic na sabi ni Maddie na nasa tabi ko, nakaupo. 


"A-asan s-si Bea?" tanong ko sa lahat ng sinabi nila.


Saktong niluwa naman ng pintuan ng aming kwarto ang hinahanap ko. Mugto ang mata niya at lumaki din ito nang nakitang gising na pala ako. "J-Jho.." sambit niya habang na-estatwa siya sa may pintuan.


"Bei." sagot ko. "Usap muna kami, guys. Pwedeng.." nagets naman nila ito agad kaya napangiti ako. Nang nakalabas na sila ay mabilis na tumabi sa akin si Beatriz at niyakap ako. Narinig kong umiiyak siya. Ngayon ko lang napansin na naka-oxygen pala ako. Malala pala ang ganap.


"O-okay ka na ba?" she asked then sniffed. I smiled bilang sagot. "Sure ka?" this time, natawa naman ako. Ang kulit talaga ng girlfriend ko. Girlfriend.


"Oo nga po." then ngumiti ulit ako. "Bakit mugto iyang mata mo? Okay ka lang ba?" pag-aalala kong tanong sa kanya.


"Syempre, naiyak ako. Limang oras tulog girlfriend ko eh. Tas naka-oxygen pa siya." tumulo na naman yung luha niya na nagpatunaw ng puso ko. Pinunasan ko luha niya and cupped her face.

"Okay na girlfriend mo." then I smiled at her again. "Girlfriend mo pa rin naman siya." I smiled again.


"May kahati na ako sa girlfriend ko eh." this time, she frowned. Sinubukan kong umupo para magkatapat kami. "Pwede bang akin lang girlfriend ko? Buong-buo?" sabi niya habang nakayuko.


Kailangan ko na sigurong sabihin kay Beatriz ang sitwasyon para makampante siya. "Pero kung ayaw naman ng girlfriend ko, okay lang naman sakin. Sa kontrata lang naman kami eh." sabi niya sabay pumeke ng tawa. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagd-drama siya.


"Ang OA mo, Bea." sabi ko and I chuckled. Maliban sa kanya. "M-may sasabihin ako s-sayo, beh. Tung--"


"Jho!" 

"Gi? Jia?"


"Anong nangyari sa'yo?!" nagpapanic na tanong ni Jia sakin. "Pahamak ka talaga kay Jho, Bea eh!" sabat niya kay Bea.


"Hindi 'to kasalanan ni Bea, okay? Kasalanan ko 'to! Bakit mo ba siya pinagbibintangan?" galit at inis kong tanong kay Jia. She crossed her arms at inirapan pa ako.


"Labas muna a--" sabi ni Bea.

"Hindi!" sigaw ko na nagpaupo sa kanya ulit. Matatawa sana ako dahil masunurin talaga 'tong katabi ko. "Dito ka lang dahil may sasabihin din ako." sabi ko pero nakatingin pa rin kila Jia at Gizelle.

A Hundred Days | JhoBea - Book 1Where stories live. Discover now