11: Libu-libong Emosyon

1K 21 0
                                    


Jho's POV


Mabilis lumipas ang mga araw at Thursday na nga ngayon.


Di pa rin ako mapakali sa mangyayari bukas. Actually since nung Monday pa nung sinabi sakin ni Beatriz.



"Eh pa'no yan, Bei? Pag may presscon, syempre may press dba?!" napapanic kong tanong sa kanya sa loob ng sasakyan. Tinawanan lang naman ako nitong drayber na to.


"Alangan naman, beh. Presscon nga dba duhh" binatukan ko naman siya ng very light at nag peace sign ito sakin.


"Eh pano yaaaan? Malalaman na ba ng buong Pilipinas, Beatriz?!"  nagdrama na ako na parang humihiyaw sa iyak. "Di pa ako handaaa!"


"Napaka ano mo beh." sabi niya na natatawa pa at napalingon naman ako dito. "Hindi  nga natin alam kung ipapakila tayo don eh. We we're just invited pa, okay?"



Invited pa raw. Eh pano kung sabihin nila Tito at Papa na..


"You will be introduced as couple tomorrow night!"


End of the world na talaga bes. "Jho, okay ka lang?" bumalik naman ako sa realidad nang nagsalita si Maddie. May dala itong baso ng tubig at ibinigay sakin.


Alas tres na ng hapon ngayon at hinihintay ko na lang si Beatriz na makabalik dito sa dorm. Pupunta kasi kami sa DL Building dahil may sasabihin si Tito Elmer sa amin. "O-oo okay lang ako, Mads. Salamat ha" tas nginitian ko siya.


Tumabi naman siya sakin at nanonood din ng TV. "Okay na okay na kayo ni Bea ah?" biglang sabi niya na nakatingin pa rin sa TV.


"Hah." napangiti ako. "Kung di siguro ako nahimatay, di kami magiging okay eh." sabi ko pa.

"Di naman siguro." sagot niya.


"Who knows?" I said. And we chuckled. "Ikaw ba, Mads, may.. napupusuan na ba tayo?" tas siniko ko siya na nagpatumba sa kanya patagilid ng slight lang naman.


"Ha? W-wala ah. Got no time for that, bes." sagot niya tas nag smirk pa.

"Eh.. rinig ko kay Bea, di daw kayo talo. So... bi ka din?" Bakit mo ba natanong yun, Jhoana? Napaka ano mo.


"Naniniwala ka talaga agad pag si Bea nagsasabi noh?" tumawa naman ito ng hilaw at kumunot naman ang noo ko don. "Ewan ko ba. I'm not sure din eh."


Nagkibit balikat lang ako at nanood na ulit ng TV.


30 minutes na ang nakalipas at wala pa rin si Bea. "Asan na ba yon?" bulong ko sa sarili ko. Kinuha ko naman ang phone ko na nasa kwarto at nagtaka kung bakit niisang text galing kay Beatriz ay wala akong natanggap.


To: Beatriz

Asan ka na, beh?


A Hundred Days | JhoBea - Book 1Where stories live. Discover now