12: The Contract

912 19 0
                                    


Nagising ako na katabi si Bea na nakapikit pa rin. Tulog pa kase sya mga friends. Tinitigan ko muna siya bago maligo para magising ko siya and all. Naalala ko tuloy ang sinabi niya sakin nang patulog na kami.



"Punta pa rin tayo sa presscon bukas ha?" sabi niya habang sinusuklay ko yung buhok ko. Kakatapos ko lang maligo para fresh mamshie!


"Sure ka?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa reflection niya sa salamin. "Eh pa'no iyang mukha mong basag, aber?" napatawa siya at inirapan ko naman ito.


"Gagaling 'to pag hinalikan." pasimple niyang sagot. Tinignan ko naman ito at kumindat pa.

"Ewan ko sa'yo. Napaka ano mo." sabay baba sa hawak kong suklay. "Seryoso nga, Bea.."


"Seryoso din, Jho." sabi niya. Napakamot ako sa leeg ko at tinabihan siya ng upo. "Kaya ko naman kasi ang sarili ko, master. Pwede namang takpan 'to ah? Tsaka.. galos lang iyan. Maliit na galos." at nag aprub sign pa ito.


"Baka kasi di mo kaya. Baka sinasabi mo lang iyan pero deep inside, masakit pa pala iyang katawan mo." sabi ko.

Tinignan niya ako na parang ini-eksamina. "Sure ka iyan ang ikinakatakot mo?" nag-abot naman ang kilay ko sa sinabi niya. "O baka naman.. takot ka lang sa press?" tas ngumiti ng nakakaloko ngunit nawala rin ito agad.


"Jho.." panimula niya.

"Di ko naman kasi maiiwasan." pagtigil ko sa kanya. "Natatakot pa rin ako. Kahit ang tapang-tapang ko kay Marci kanina pero, Bea.."


"Alam ko, alam ko." sabi nito. Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ako sa mata."I won't leave you there alone. I promise. Kung may tanong, I'll answer it. You don't need to worry, beh." ngumiti pa ito lalo na nagpangiti sakin. "Akong bahala sa'yo."



"Are you done staring at me? Am I not melting yet?" sabi nito habang nakapikit pa rin. Sinampal ko naman ng mahina ang noo nito at namulat na. Tumawa naman ito ng konti at niyakap ako bigla. "Good morning, babe." bulong niya sakin. 


"Babe mo mukha mo! Good morning din. Maliligo na 'ko, bitaw na." sagot ko.

"Pakasungit mo naman. And like a minute ago you were staring at me pa." she hissed pero nakayakap pa rin sakin.

"Eh kase gising na pala di na lang dumilat. Kaloka ka." painis kong sabi na nagpatawa ng konti sa kanya.


"Okaaay, my bad." sabi niya and hugged me even more. "Mamaya na tayo pag hug pag nasa BEG na us." sinampal ko na naman ang noo nito and this time napa aray na siya. Tumayo naman ako agad at kinuha ang towel ko at pumasok na sa bathroom. "Watch out ka sakin later!" rinig kong sigaw niya. Napangiti lang ako nang naring ko iyon.



Hindi ko alam kung ano nga ba ang nararamdaman ko kay Bea. Weird din kasi eh. I mean.. oo, pumayag ako sa contract dahil sa sinabi ni Papa. And to help out Beatriz too. Hindi ko ba nabanggit na pinirmahan talaga namin yung kontrata?

A Hundred Days | JhoBea - Book 1Where stories live. Discover now