06: Real Quick

942 22 2
                                    


Jhoana's POV


Di ko alam anong ire-react ko sa ginawa ni Bea.


"Gagu ka, Beatriz. Di ka pa nga nakapindot ng floor eh. Landi mo, beh." I heard her chuckle pero di pa rin niya ako binibitawan. Huwag mo na akong bitawan. ANG LANDI NG KONSENSYA KO NAGMANA NA KAY BEATRIZ. JUSKOPO.


Naglakad siya papunta sa pindutan ng floor, na di pa rin ako binibitawan sa yakap. At bago pa siya makapindot ay bumukas ito. Agad-agad akong kumawala at bumalik sa pwesto namin kanina. "Whoo.. ang inet." Sabay pinapaypayan ko sarili ko gamit ang kamay ko.


 Nagtinginan ang mga tao sakin then sa nakayuko na Beatriz na nasa may pindutan. "Okay lang po.. pasok po kayo." sabi ko sa kanila na may pag-aalinlangan ang boses.


Lima lang naman sila na naka business attire noh. Nakakahiya. Buti hinubad ko ID ko kanina.

Yung isa naman, pinipigilan ang tawa niya. Nakayuko ito pero halatang tumatawa na siya deep inside. Gagu talaga tong si Bea. Ang landi!


"Ah, excuse me, Miss.. second floor, please." tinignan naman sila ni Bea at napansin ko ang paglaki ng mata nila. "Ay, I'm sorry, Miss Bea. Let me--"


"It's okay." she smiled and looked at me. Nginitian niya ako pero inirapan ko lang siya. Kainis. 


Ngayon ko lang napansin na we're going to the 15th floor. Biglang tumunog at nagbukas ang elevator; nakarating na kami. Nauna akong lumabas kahit nasa pinakalikuran ako at hinintay si Bea na makalapit sa akin. "Nakakainis ka, Bea! Grabeee!" panggigigil ko sa kanya sabay akmang sasapakin siya.


"Kalma, Jho. Di nila nakita iyon. Atin-atin lang yon, beh." sabay lapit at nag wink sakin. "Tsaka di nila ako isusumbong kay Dad." she assured me.



"Anong kalma, Bea?! Ikaw ha.. porke't tanggap kita na bi ka, chinachansingan mo na ako!" akmang susuntukin ko na naman siya pero kinuha niya ang kamay ko at hinila ako at naglakad na.



"Kinilig ka naman." sabi niya bago huminto sa tapat ng isang pintuan. "Sige na, mamaya na tayo mag-away." sabay smile sakin na nakakabaliw. 


Kumatok ito ng dalawang beses at pumasok na kami. "Oh, she's here!" rinig kong sigaw ng isang early 40's na lalaki ng sumilip si Bea.



Tumayo lang ako, 3 steps away from the door dahil binitawan ako ni Bea at niyakap ang papa niya. Papa niya pala yung sumigaw. Nilingunan niya ako at kinuha ang kamay ko. "Dad.. my best friend, Jhoana. Jho, my Daddy Elmer." she smiled at her dad then to me then dad niya ulit habang pinapakilala niya kami.


"Nice to meet you, Jhoana." nag shake hands kami at napangiti ako.

"Nice to meet you din po, sir." pormal kong sagot.


"Ang pormal ng best friend mo, Bea. Tito Elmer na lang, okay?" tumango naman ako at ngumiti. Nakakahiya na dito. Di ko talaga lugar ang mga opisinang ganito.

A Hundred Days | JhoBea - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon