14

726 14 0
                                    


Jho's POV


Lunes at maaga kaming nagtraining dito sa BEG. Medyo mahigpit din ngayon sila coach kaya walang maririnig na chikahan o tawanan ngayon.


5 minutes lang yung break namin and right now, last one minute na lang daw. "Beh.." tawag nitong katabi kong uminom uli sa Gatorade niya. "Di kita mahahatid sa first class mo ah? May pupuntahan ako saglit after this." sabi niya habang nakatingin sa akin.


"Saan?" tanong ko. 

"Basta. Sabihan na lang kita mamaya." tas ngumiti siya.


Magtatanong pa sana ako pero pinapabalik na kami. After ng cool down, agad tumakbo si Bea para magshower. Nagshower na rin ako and last thing I know, umalis na siya. Di man lang nagpaalam.


I checked my phone pero wala ring message galing sa kanya. Anyare don? "Jho." Nilingunan ko ang tumawag sakin and it was Jia.


"O, Jia. Baket?" 

"Wala. Nakakapanibago na walang nakabuntot sa'yo ngayon." I tried to take it as a joke pero parang sarcasm ito para sakin. "Uy don't take it wrong." bawi niya agad.


"Asan ba kasi si Bea?" tanong niya habang naunang naglakad at sinundan ko lang ito palabas. "Parang, nagmamadali iyon kanina ah." dagdag niya.


"Yah. May pupuntahan daw siya eh." sabi ko and frowned.

"Sino?" tanong niya.


Tinignan ko naman siya na nakakunot ang noo. "Di ba dapat saan yung tinanong mo?"


"Well.." huminto siya at tinignan ako. "Parte pa rin naman ng wh-questions ang who ah?" she smiled pero agad din ito nawala. "Tsaka, how? Di ba?" 


"Di kita gets, Jia." patay na sabi ko sa kanya.


"Well, sabihin na natin na.." she paused.



"May alam ako?" she smiled then left me sa may hagdanan staring at her as she walked hanggang sa nawala siya. Puta.



Wala ako sa sarili ko habang nagk-klase. Na-occupy ng utak ko ang sinabi ni Jia at kung saan si Beatriz. At dahil di na ako mapakali, hinugot ko ang phone ko.



To: Bea

Beh asan ka?


To: Bea

Di ka man lang nagpaalam kanina paka ano :((


To: Bea

Ingat ka ah? :*



After one subject, I checked my phone and wala pa ring reply from her. Bigla namang nag notif ang message ni Maddie.

A Hundred Days | JhoBea - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon