03: Confirmation

1.1K 22 3
                                    


Bea's POV


It's been 2 weeks already and I can feel na parte na ako ng ALE.


I get to know Maddie and Kat more dahil halos magka-classmates pala kami sa mga subjects. Not all pero mostly. I get to know Jia and Giezelle na kaclose ni Jho. Naloloko ko na rin sila and nabubully just how I bully Jhoana.


It's been 2 weeks na rin since umuwi ako sa bahay. As usual, nandon lang si Mom. Pinadalhan pa niya ako ng mango float nung huling uwi ko. Sabi pa niya, "bigyan mo mga bestfriends mo ha?" natawa naman ako don.


Naenjoy ni Jho yung mango float at ng ibang girls. Pero si Maddie, choosy. Di pala kumakain ng mangga ang singkit na yon. Natawa pa ako sa sinabi ni Jho habang ningunguya niya ang kinakain niya. "Pashabi sha mama mo, Beatrish shalamat ha? Hang sharap talaga. Gushto ko na siya!"


Natawa ang ibang girls pero ako.. napangiti. Weirdo ko ba?



"Bea? Are you still with me?"

Hala. Nakalimutan kong kasama ko pala si Ged. "I'm sorry. I just thought of something. Anong.. anong sinasabi mo?"



Nagbuntong hininga na lang siya. And I just bit my lower lip. "You're physically here pero yung utak mo wala rito. What is happening to you, Bea?" 



Napayuko na lang ako at napailing. Buti walang masyadong tao dito sa restaurant. He invited me for lunch para maging okay na raw talaga kami. Naging okay naman kami, 3 days after nung recent misunderstanding namin pero through text lang because I was at a class.


And now bumabawi siya. But I just cannot. "I'm sorry, okay? May naalala lang ako, Ged."

"Ano? Sino?" tanong niya sa tono na may pagdududa.


"Yung teammate ko." tumaas naman ang kilay niya. "Teammates, I mean."


Napa smirk siya sa ginawa kong pagbawi. "So.. teammate?" tas nag smirk siya ulit. "Magtapat ka nga sakin, Bea." 


Napatingin ako sa kanya. He is not serious, isn't he? Wala akong ipagtatapat sa kanya. "Sabihin mo nga sakin, Beatriz. Are you straight?"




Are you straight?

Are you straight?



"Anong sinagot mo?!" pasigaw at nagpapanic na tanong ni Maki sakin. Nasa labas kami ng dorm ngayon at kinukwento ko sa kanya ang nangyaring pag-uusap namin ni Ged.



"I.. I walked out." napa face palm si Maki sa sinagot ko. "I d-don't know what to say, okay? Para akong nabastos! Ewan ko ba!"

A Hundred Days | JhoBea - Book 1Onde histórias criam vida. Descubra agora