23: Payback

553 17 0
                                    


"Well, well, well, look who's here!"


Di alam ni Bea kung nasan siya.

Nakapiring pa ang mga mata nito at ramdam niyang nakatali ang kanyang kamay at mga paa.

Mejo pamilyar din sa kanya ang boses na iyon.


"Di naman talaga dapat nangyayari sa'yo ito, Bea eh. Kung hindi ka lang pumasok ng Ateneo at kung hindi mo lang jinowa si Jhoana, safe ka sana ngayon."


And by that she knew. Si Jia. Sabi niya sa kanyang isip.


"What is this for, Jia?! Nilayuan ko na si Jho! Umalis na ko ng Ateneo! Ano pa ba?!" Bea screamed. Biglang may nagtanggal ng piring niya sa mata at nakita niya sina Jia, Gi, Trixie, Ged at Marci. "What the hell is this?! Full force kayo?!"


"Lahat ng mga nasa harap mo ngayon, Bea, eh nagawan mo ng mali." sabi ni Giezelle. "Except for me nga lang. I'm just here to support Jia."


"Pero, Gi... ba-bakit?" naiiyak na si Bea habang iniisip kung ano nga ba ang mga nagawa sa mga taong ito.


"Huwag kang magacting as if hindi mo alam kung anong nagawa mo sa akin, Bea." paninimula ni Ged. "Niloko mo 'ko, pinaasa mo 'ko na posible ang tayo, na magtatagal tayo. Pero malalaman ko na lang na hindi pala ang tulad ko ang gusto mo! Pinagpalit mo 'ko sa babaeng hindi ka naman talaga minahal talaga! Niloko mo ko!" pagsusumbat nito kay Bea.


"At paano mo naman nalaman na hindi ako mahal ni Jhoana?! Wala kang alam, Ged! At matagal na akong nagsorry sa'yo! Matagal nang natapos yung tayo na inaakala mo!" sagot ni Beatriz. "Can't you just move on and live a life? You're a great person and you know that. Di ka dapat nakukulong sa ilusyon ng ikaw at ako dahil it will never happen!" dagdag niya.


"Eh ako, de Leon?" singit ni Marci. "Mas malaking kasalanan ang nagawa mong pag-agaw kay Jhoana mula sakin!"


"Ang alam ko, Marci, tapos na kayo ni Jhoana nung nakilala niya ako. Don't mess with that situation!" sagot ni Bea.


"There was a chance, Bea! May chance pang maging kami kung hindi ka lang pakialamera! Wrecker!" sagot naman ni Marci.


"Wake up, Marci! Jho hated you! And she will always hate you! So grow up, dude! Hindi ka na niya mahal nung kasama pa niya ako at kahit hanggang ngayon na hindi na!" Bea shouted.


"You know what, both of you can really be an item." sabay tingin kila Ged at Marci. "You guys haven't move on sa mga taong alam niyo naman na matagal na kayong pinakawalan at kinalimutan."


"Ang galing mo, De Leon!" singit ni Jia na nagpapalakpak pa. "Remember Trixie, right?" dagdag na tanong nito.


"You!" Bea shouted nang naalala niya ang babaeng iyon. "So kasabwat ka rin nila?!"


"No!" Trixie shouted. "I asked for help dahil you raped me!" at humagulgol na ito ng iyak.


A Hundred Days | JhoBea - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon