19: 100 divided by 2

711 21 2
                                    

Jho's POV


Ang gaan sa pakiramdam nang nagising ako. Even knowing na di naman dito natulog si Beatriz kagabi eh ewan ko, ang gaan pa rin.


Smooth ang umaga. Pancakes ang breakfast because feel ni Maddie magluto ng pancakes bigla and Deanna made the coffee for all of us kahit tiniis lang ng karamihan sa amin yung pait ng kape kasi walang creamer. Haynako, Deans.



And they lived happily ever after.


"Oh ayan. Tapos na short story mo!" abot ko ng laptop kay Maddie after typing the short story na ipapasa niya raw sa Lit class niya later 3:30.


Nasa canteen kaming dalawa right now to eat lunch. "Yehey! Thank you, Jhow Jhow!" sabi niya habang kinukurot braso ko. 

"May bayad to! Asan na lunch ko?" napakamot siya ng ulo at napasabi ng heto na nga at luminya na para bilhan ako ng lunch.


Mema lang yung kwentong nagawa ko. Kahit naman inspired ko, oo, mema na love story lang naisip ko. Pero tragic yung ending kahit they lived happily ever after yung last line. Ay basta. Hingin ko na lang yung soft copy soon kay Maddie.


Anyways, kanina ko pa tinetext si Bea kung asan siya; kung kumain na ba siya ng lunch or anything dahil nga, hindi na naman siya natulog sa kwarto namin kahapon. I started texted her when I woke up pero yung last text niya was last night pa nung nag goodnight siya saken. Baka busy. Iyan lang palagi nasa utak ko.


Namimiss ko na siya actually. After that heart-to-heart talk that we had, naging malinaw saming dalawa kung ano ba talaga ang meron sa amin. Yes we are doing this for our parents' companies but at the same time, gusto naming maging totoo kami sa nararamdaman ng isa't-isa. Iyan ang akala ko: akala ko malinaw.


Pero wala. Yun pa rin. Hindi na rin naman niya ako iniiwasan and di na rin siya cold sakin pero parang..... parang may wall. Maybe it's just me pero i feel it that way. Pero sana, di totoo.


"O heto. Thank you! Sobra sa paggawa!" sabi naman nitong isa nang inabot niya ang binili niyang sisig para sakin. Nawala ng tuluyan yung mga mata niya dahil sa pagngiti ng kanyang mga singkit na mata.


"Aysuuuus nagpacute pa ang bruha!" tas kinuha ko na yung tray. Napakamot ulit siya ng ulo niya at umupo na. Maddie.


Siya yung kasama ko for 2 and 1/2 weeks imbes si Bea. Siya yung nachichikahan ko sa maraming bagay, sa mga problema ko at lahat. Maliban kasi sa hindi ako sini-seen ni Bea ay hindi ko na rin siya nakakausap ng matagal sa isang araw.


Gaya nung Monday,


Nagmamadali na akong pumunta sa class ko dahil late na ako. Shux!!


"Ingat ka!" sigaw bigla ni



"Bea?!" sigaw ko nang siya ang nakita ko nang lumingon ako sa likuran. "Huy, Bea!" tumakbo ako papunta sa kanya at di rin naman siya umalis o umiwas.

A Hundred Days | JhoBea - Book 1Where stories live. Discover now