15

739 12 1
                                    


Jho's POV


Nagising ako ng 4AM, an hour before our training and napansin kong wala na si Bea sa kama niya.


Bumaba ako to check kung nasa kusina ba siya at salamat naman at nandito lang. "Good morning, beh!" bati ko sa kanya habang pababa.


"Uy, good morning." ewan ko kung nagiging praning lang ako sa tono na ginamit niya pero parang matamlay yung pagkakabati niya sakin. Tuloy lang siya sa pagkain ng omelette niya at di na nagsalita ulit.


"Musta tulog mo?" tanong ko habang nagsasandok ng kanin. Nilingunan ko muna siya bago takpan ang rice cooker pero tinitigan niya lang yung plato niya at parang nag space out. "Bei?" tawag ko sa kanya at napa yes naman siya.


Umupo ako sa tapat niya at tinignan siya. Ganun din ang ginawa niya. "Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.


"Yep." matipid niyang sagot at nag-sign of the cross dahil tapos na siyang kumain. "Jog muna ako saglit. Eat well, Jho." she smiled before she went to the sink to leave her plates (paka ano oh, iniwan lang ang pinagkainan. Sus. Pasalamat siya naisip kong may pinagdaraanan siya) then went out.


Nakakapagtaka tuloy ang mga kilos niya. May nagawa ba ako? Hindi naman siya ganito ah.


5:30 na at almost ready na lahat para magpunta sa BEG para sa training. Buti 6 to 7 training ngayon; di masyadong maaga. 


Kanina ko pa tinititigan ang pintuan at sana iluwa nito si Bea dahil kanina pa siya sa labas. Sabi niya jog lang siya saglit pero di na ito bumalik. "Asan na si Bea, Jho? Sasabay din sana kami sa inyo kung okay lang." sabi ni Mich.


"Parating na iyon." sagot ko sa kanya. Tangina, Bea asan ka?



6:46

6:48

6:50

"Anunah, Jho? Wala ata si BDL eh. Lakad na lang tayo, bes." inip na sabi ni Michifu sakin. Nauna na sila Jia at kami na lang nina Mich, Maddie at Deanna ang hinihintay si Bea.


Tumango na lang ako at tumayo na, dala ang bags naming dalawa ni Bea. Papalayo ng dorm ay napaisip ako sa inasta niya kanina at sa kung bakit umiyak siya kagabi.

Inisip ko iyong napag-usapan namin. Wala namang mali sa sagot ko ah. "Hala...."


 "Oo naman! Bestfriends tayo, diba?" 

"Oo naman! Bestfriends tayo, diba?" 

"Oo naman! Bestfriends tayo, diba?"


"....di naman siguro."


"Huy! Nabaliw ka na ba, dai? Kinakausap ang sarili hala siya" asar ni Mich sakin at napatawa naman sila Maddie.


Nakarating na kami ng BEG -- Bea's there.


A Hundred Days | JhoBea - Book 1Where stories live. Discover now