10

594 33 1
                                    

Serene's POV

Matagal tagal na rin pala ng nakasama ako sa grupo nila. Epal kasi si Daehwi pinagdadamot sakin ang boys pano kasi juding siya. Marami rami na din ang nadagdag sa group nila, its time to hunt the bekis!

May nagtext sa akin. Pagtingin ko. Ayan pala unang una! Beki #1.
From: Bby Daehwi
Bby dito na ako sa labas. Bilisan mo majinet dito.

Lumabas na ako at baka magreklamo pa ang bakla.

"Ang bilis mo ata ngayon?" Sabi ni Daehwi sa akin.

"Eh kawawa ka naman majinet pa naman sa labas." Panggagaya ko sa use of words niya.

"Dae, diba prend mo si Jihoon?" Tanong ko.

"Oo. Why?" Sagot niya naman..

"Edi bading din siya?" Tanong ko. Aba kahit walang kinakain/iniinom nasasamid ang bruha.

"Bakit mo naman nasabi?" Tanong niya sakin.

"Eh siyempre bading ka diba? Birds of the same feather flock together." Biro ko sa kanya.

"Aba sabunutan kaya kita diyan! Hindi nga ako beki." Naiiritang sagot niya sakin.

"Talaga ba? Amin amin din kasi. Di ko naman ipagkakalat." Biro ko ulit.

Nakarating kami sa mall at sa meeting place nilang magkakaibigan. Pinagtitinginan sila ng mga tao. Syempre ang laking grupo at hindi maikakaila na may mga face value. Grabe nastar struck pa din ako pag nakikita ko silang lahat.

"Gaga. Kaya ayaw kitang isasama eh." Biglang sabi ni Daehwi sakin.

"Bakit naman?" Sagot ko sa kanya.

"Mukha kang timang pag nakikita mo sila. Ano ngayon mo lang nakita?" Inis na sagot niya sakin.

"Sus imbyerna ka lang eh. Nasasapawan kasi kita pag sinasama mo ako." Nanunuksong sabi ko sa kanya.

"Anong sapaw. Baka naman." Sabi niya sakin at umirap pa.

"Baka naman baka naman. Bakla naman." Bulong ko at umirap din.

"Hoy anong sinasabi mo diyan?" Biglang baling niya.

"Nye nye nye. Puntahan ko na si euiwoong wee woo." Sabi ko tapos tumakbo na ako paalis. Baka masabunutan pa ako ng bruha.

Gayhoon|Park JihoonWhere stories live. Discover now