53

437 23 1
                                    

Serene's POV

Nakakairita talaga tong baklang to. Pilit na pilit ang kilos. Baklang bakla. Kanina sabi ko siya na bumili ng pagkain namin para naman medyo sweet aba binalik sakin ang pera ko at ako daw ang bumili ng sarili ko.

"Jihoon." Tawag ko sa kanya.

"Bakit?" Sagot naman niya.

"Mukha akong echapwera dito. Pansinin mo kaya ako." Sabi ko sa kanya.

"Kailangan pa ba yun?" Naiinis na tanong niya.

"Syempre duh. Mukhang nakiupo lang ako dito sa table." Sagot ko sa kanya.

"Duh duh. Duh duhin mo mukha mo." Bulong niya na narinig ko naman.

"Anong sabi mo?" Naiiritang sabi ko.

"Wala. Bingi!" Sabi niya naman sa akin. Kumukulo talaga dugo sa baklang to eh. Sarap sabunutan. Kakagigil.

"Jihoon!" Tawag ko ulit sa kanya.

"Bakit na naman?" Iritang sagot niya.

"Maging sweet ka bilis, nakita ko yung anak ng secretary ni mommy, mukhang may minamanmanan." Sabi ko naman sa kanya.

"Anong gagawin ko?" Medyo nastress na tanong niya sa akin.

"Kahit ano, bilis. Ano wala ka man lang bang konting pagkalalaki sa pagkatao mo?" Inis na sabi ko sa kanya.

"Ano ba lalaki nga ako." Sagot niya sa akin na hindi ko naman pinaniwalaan. Sus siya lalaki? Baliktarin mo na ang mars, beki pa din siya.

"Ano ba tawagan natin?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw mag isip." Sabi niya sa akin.

"Ako pa talaga ayan na baka makita na tayo." Nagmamadaling sabi ko sa kanya.

"Heart na lang kaya." Suggest niya.

"Yuck, organ pa talaga. Anong tingin mo sakin muscle?" Iritang sabi ko sa kanya.

"Di naman medyo lang." Bulong niya ulit.

"Ikaw naman mag isip." Sabi niya sa akin.

"Sweetheart?" Medyo alinlangan sagot ko.

"Yuck." Sabi niya na sang ayon naman ako dahil korny.

"Bahala na nga ayan na." Sabi ko sa kanya nung mukhang nakita na kami.

"Baby." Umpisa niya at inipit yung buhok ko sa tenga ko. Kala ko ba ayaw niya ng baby.

Gayhoon|Park JihoonWhere stories live. Discover now