Epilogue

455 28 16
                                    


"ITIGIL ANG KASAL!" Biglang sigaw ng isang babae. Nagulantang ang lahat ng nasa simbahan. Kahit ako nagulat.

"RAI?" Sabi ni Jimin na nasa tabi ko.

"OO AKO NGA! HOY JIMIN BUMABA KA DIYAN. ITITIGIL ANG KASAL. BUNTIS AKO AT IKAW ANG AMA." Sabi nung girl friend ni Jimin.

"Gosh nakakaloka naman." Sabi ni Jin na isa sa mga kaibigan ni Jimin.

"What's the meaning of this?" Tanong ng Daddy ni Jihoon.

"Magiging daddy na ako?" Tanong ni Jimin pagkatapos tumakbo sa kinatatayuan ni Rai.

"Oo nga. Ulit ulit? Jiminie pabo ka talaga." Sabi sa kanya ni Rai.

"MAGIGING DADDY NA AKO!" Masayang sigaw ni Jimin sa simbahan. Napangiti naman ako at lumingon kay Jihoon. Nakangiti din siya sa akin. Akala ko hindi na kami magkakatuluyan.

"Excuse me, itutuloy pa ba ang kasal?" Tanong ni Father sa akin.

"Opo! Pero pwede po bang sa akin na?" Sagot naman ni Jihoon na mabilis na nakapwesto sa tabi ko.

"Okay sige tuloy ang kasal!" Sabi ni Father kaya naguluhan naman ang lahat at lumingon sa altar.

"Do you Jihoon, take Serene as your lawful wife, to have and to hold, for richer and for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as you both shall live?" Tanong ng pari sa kanya. Oo tuloy ang kasal pero hindi na ako kay Jimin ikakasal, kay Jihoon na.

"I do father." Sabi ni Jihoon at pinisil ang kamay ko.

"Do you Serene, take Jihoon as your lawful husband, to have and to hold, for richer and for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, for as long as you both shall live?" Tanong naman ng pari sa akin.

"I do father." Sagot ko naman. Nilingon ko naman si mommy na nakangiti sa akin at parang sinasabi na masaya siya sa nangyayari. Nakita ko naman si Daddy na nakasimangot. Pero wala na siyang magagawa mas matalino ang Baby ko kesa sa kanya.

Nagpatuloy ang kasal namin ni Jihoon. Hindi pa rin ako makapaniwala. Akala ko kanina katapusan na ng chance namin ni Jihoon. Pero ngayon nandito kami sa harap ng Diyos at nangangako na mamahalin ang isa't isa habang buhay.

"Now, I pronounce you man and wife, You may now kiss the bride!" Sabi ng pari. Humarap naman kami ni Jihoon sa isa't isa. Hindi ko napigilang umiyak, hindi ko talaga inaasahan ang plot twist na ito. Inangat na ni Jihoon ang belo ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Wag ka ng umiyak, hindi na tayo maghihiwalay pa. I love you baby, or should I say wifey?" Sabi ni Jihoon sa akin.

"I like wifey better. I love you too hubby." Sabi ko naman sa kanya.

"TAGAL NAMAN! KISS NA!" Sabi ng Produce 101. Teka hindi ko sila napansin kanina. Tapos bakit sila nandito eh barkada sila ni Jihoon eh supposed to be wedding ni Jimin to? Hindi pa ako tapos magisip ay naramdaman ko na ang mga labi ni Jihoon sa labi ko. Nilingon naman namin ni Jihoon si Jimin at Rai na nakaupo na sa wooden pews at nanunuod sa kasal namin. Nagpasalamat kami sa kanilang dalawa.

"Tama na yan picture taking muna!" Sabi ni Jonghyun.

Ngingiti na dapat ako sa camera ng may marinig akong humihikbi. Nakita ko naman si Samuel, Justin, Euiwoong at Guanlin na magkakayakap at umiiyak.

"Hayaan mo na sila. Broken lang yan." Sabi sa akin ni Jihoon at hinila na ako palapit sa kanya para sa picture taking.

Maraming kakaibang twist ang mundong ito. At ito ang pinaka nagustuhan ko. Sino bang magaakala na ang baklang dati rati ay inaasar ko lang, ngayon asawa ko na.

Gayhoon|Park JihoonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora