68

372 23 6
                                    

Serene's POV

Kinuha ni Daddy ang phone ko at ang lahat ng gadgets ko kaya hindi ko alam kung anong nangyari kay jihoom simula nung pinaghiwalay kami sa Jeju. Natapat pa na sembreak na sa school wala talagang chance na magkita kami. Grounded din ako. Gusto akong tulungan ni Mommy pero hindi umaalis si daddy sa bahay at palaging nakabantay. Hindi nga ako literal na nakakulong sa kulungan pero ganun din ang pakiramdam. May kumatok sa pinto kaya binuksan ko naman.

"Mag ayos ka. May pupuntahan tayo." Sabi ni Daddy sa akin.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko naman.

"Ipapakilala kayo ngayon ng mapapangasawa mo." Sabi ni Daddy.

"Hindi pwede! Si Jihoon lang ang mahal ko." Sabi ko sa kanya.

"Tumigil ka! Hindi ka kayang mahalin ng baklang iyon." Sabi ni Daddy.

"Hindi totoo yan, mahal niya ako." Sagot ko sa kanya.

"Walang makakapagpabago ng pasya ko. Magbihis ka na at pupunta tayo sa bahay ng mga Park." Sabi ni Daddy at sinara ang pinto. Park? Park si Jihoon. Baka sa kanya ako ikakasal. May pag asa pa.

Nagbihis ako, nagpaganda. Umaasa na baka si Jihoon pala ang ipapakasal sa akin hindi lang alam ni Daddy. Nakarating din kami sa bahay nila. Bahay nga ito nila Jihoon, marami siyang sinesend na pictures niya na ang background ay dito sa labas ng bahay. Kahit naging girlfriend ako ni Jihoon ng ilang buwan ngayon lang ako napunta dito. Kung sabagay nagpapanggap lang naman kami noon kaya hindi na niya ako kailangan pang ipakilala sa mga magulang niya. Malaki din ang bahay nila. Malawak din ang bakuran nila marami silang mga kasambahay na parang mga maid sa isang palasyo.

"Nasaan sina Mr. at Mrs. Park?" Tanong ni Daddy sa maid.

"Hininhintay na po kayo ng pamilya sa dining table." Sabi ng maid. Dumiretso naman kami doon at una kong nakita ang mommy at daddy niya. Mga ilang taon lang ang tanda nila kay Mommy at Daddy, pero bata pa din ang itsura nila. Sumunod kong nakita si Jimin ang nakatatandang kapatid ni Jihoon. At ang huli ay si Jihoon na nakayuko at nagcecellphone, hindi napansin na may dumating silang bisita.

"Oh Mr. and Mrs. Choi nandito na pala kayo." Sabi ng daddy ni Jihoon at kinamayan sina mommy at daddy. Nagbeso-beso naman si mommy at ang mommy ni Jihoon.

"Siya na ba si Serene? Dalaga na pala. " Sabi ng mommy ni Jihoon. Tila nagulat naman si Jihoon at dahan dahang nagtaas ng ulo at sa wakas nagkita ulit kami. Gustong gusto ko siyang lapitan at yakapin namiss ko siya ng sobra. Nakita ko naman na naluluha din siya at gusto din akong lapitan.

"Upo muna kayo saluhan niyo kami." Sabi ng mommy ni Jihoon. Umupo naman kami at nakatapat ko si Jihoon. Nakita ko naman si Daddy na masama ang tingin kay Jihoon, kawawa naman ang bebequoh.

"Oo nga pala, Jimin, Jihoon si Serene. Serene sina Jimin at Jihoon." Pakilala ng mommy ni Jihoon sa amin. Kahit wag na po kilalang kilala ko na sila. Kinamayan ko si Jihoon na nasa tapat ko, ayaw ko pang bumitaw at ganoon din siya pero narinig kong tumikhim si Daddy. Lumingon naman ako kay Jimin at nakipagkamay, ngumiti naman siya sa akin, mukhang kilala niya din akong girl friend ni Jihoon.

"Oo nga pala Serene, Jimin, kayo ang naka arranged marriage." Sabi ng daddy ko at pareho kaming natigilan ni Jimin at hindi makagalaw. Narinig din namin ang pagbagsak ng baso ni Jihoon, kasabay ng pagkabasag nun ay ang pagkabasag ng puso namin ni Jihoon.

Gayhoon|Park JihoonWhere stories live. Discover now