65

437 29 10
                                    

Serene's POV

Nandito kami ngayon ni Jihoon sa airport, papunta kaming Jeju, ang bakasyon na bigay ni Mommy. Matching outfits pa kami. Maarte talaga tong baklang to.

"Baby bakit mo ba naisipang mag floral tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Eh kasi baby diba may beach kasi dun." Paliwanag niya sa akin.

"Oo nga pero hindi naman hawaii yun. Gosh nakakaloka ka." Sabi ko sa kanya.

"Aba ginagaya mo na ang words ko ngayon ah." Sabi niya sa akin. Tinawag na din ang flight namin at sumakay na kami sa eroplano. Buti naman pumayag siya na ako na lang ang pumwesto sa may bintana. Nag improve na ang bebeqouh.

"Baby, di ka ba inaantok?" Tanong ni Jihoon sa akin.

"Medyo." Sagot ko naman sa kanya.

"Tulog ka muna, matagal tagal pa namang punuin tong eroplano saka yung byahe matagal tagal din. Sandal ka muna sakin." Sabi niya kaya sumandal naman ako sa kanya. Kinantahan niya ako hanggang makatulog ako. Ginising niya din ako para bumaba sa eroplano. May sumundo naman sa amin para ihatid kami sa hotel natutuluyan namin.

"Excuse me." Sabi ni Jihoon sa receptionist.

"Good morning sir. What can I do for you?" Sabi ng receptionist na halatang nagpapacute kay Jihoon. At ano ako dito hindi guest?

"Reservation for Ms. Choi Serene please." Sabi niya sa receptionist na ngayon ay pipikit pikit pa. Ano yan napuwing? Kairita gosh.

"Sandali lang sir." Sabi niya kay Jihoon. Lumingon naman si Jihoon sa akin at kinindatan ako. Potskddjsns landi talaga ng baklang to.

"Miss pwedeng pakibilisan? Pagod na kasi ako eh." Sabi niya at ngumiti dito. Aba Park Jihoon umayos ka.

"Eto na po sir. Isang Presidential suite po." Sabi ng receptionist at binigay ang key card. Wait isa?

"Wait isa lang?" Tanong ko sa receptionist.

"Opo yun lang po ang available." Mataray na sagot sa akin ng receptionist. Aba bibingo na sakin to eh. Hinila naman ako ni Jihoon papunta sa room 101 na room namin.

"Ako sa kama, ikaw sa baba." Sabi ko sa kanya.

"Ano? Hindi pwede. Bakit ba kasi isa lang ang room." Sabi ni Jihoon.

"Ah ganon? Ayaw mo akong makasama sa room? Edi sige landiin mo ulit yung receptionist baka bigyan ka niya ng room. Leche." Sabi ko at pagsasarahan na dapat siya ng pinto.

"Hindi baby, sorry na. Gusto mo tabi pa tayo sa kama." Sabi niya sa akin. Hindi ako sumasagot at nilambing niya naman ako. Lumabas kami pagkapahinga at magdecide na mag jetski.

"Isang jetski nga po." Sabi ni Jihoon.

"Isa lang bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako mapapanatag pag nakita kitang mag isa kaya angkas ka na lang." Sabi niya sa akin. Bwisit kinilig tuloy ako. Sumakay na kami sa jetski.

"Kumapit ka." Sabi ni Jihoon kaya kumapit naman ako sa balikat niya.

"Hindi ganyan. Ganito." Sabi niya at kinuha ang kamay ko mula sa balikat niya at ipinulupot iyon sa bewang niya. Habang pinaandar niya ang jetski ay sigaw ako ng sigaw. Minsan hinihigpitan ko din ang kapit sa kanya. Chansing kaso naalala ko wala nga pala siyang abs. Tabs meron.

Kumain muna kami ng dinner bago kami umakyat na sa kwarto. Naisipan naman naming maglaro ng truth or dare. Pero ang dare ay uminom ng isan shot ng soju. Ilang ulit kaming naglaro lasing na ata ako.

"Truth or dare?" Tanong sa akin ni Jihoon nung sa akin natapat ang bote.

"Truth!" Sabi ko. Lasing na ata talaga ako dahil pinili ko ang truth.

"Mahal mo ba ako?" Tanong niya sa akin.

"Oo,kahit alam kong nagpapanggap lang tayo nahulog ako sayo. Mahal kita Jihoon." Sagot ko kahit lasing na lasing na.

"Mahal din kita, hindi ko inakala na kaya kong magmahal ng babae. At salamat dahil tanggap mo kung ano ako." Pag amin niya sa akin at niyakap ako.

Gayhoon|Park JihoonWhere stories live. Discover now