57

455 27 2
                                    

Serene's POV

Biglang nagsalita si Jihoon kaya nagulat ako. Pati si Taemin na katabi ko din.

"Huh?" Tanong ko.

"Sus, inaaya ka daw mag date wag ka ng pabebe." Sabi ni hyeongseob sa akin. Paki paalala nga sa akin na ipapasalvage ko na to.

"Wag ka ngang umepal diyang hyeongseob. Usapang mag jowa yan." Sabi ni Jisung kay hyeongseob at hinila ito palayo sa amin.

"Sabi ko date tayo." Pag ulit ni Jihoon. Alam ko. Narinig ko naman. Unli paulit ulit?

"Papayag na yan!" Sabi ni Daniel.

"Isa ka pang epal eh." Sabi ni Jisung kay Daniel.

"Silence means yes." Sabi ni Jihoon at nagwink sa akin. Potshdjkakdnsnsn. Bading ba talaga to?

"Okay sige saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Secret. Hintay ka muna hanggang uwian." Sabi niya at bumalik sa upuan niya dahil may teacher na ulit.

Pagdating ng uwian ay hinila na ako ni Jihoon sa kung saan man kami pupunta. Buti na lang ayos na yung gamit ko kung hindi babalibag ko sa kanya yun.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Basta." Sabi niya at sumakay na kami sa bus. Nung huminto yung bus saka ko lang nalaman kung saan. Namsan Tower.

"Namsan tower? Yii lalaki ka na niyan?" Pang aasar ko sa kanya.

"Wag ka ngang maingay. Saka lalaki naman talaga ako." Sabi niya sa akin.

"Ows talaga ba?" Sabi ko ulit.

"Oo nga gusto mo sabunutan kita?" Sabi niya sa akin na halatang naaasar na.

Sumakay kami sa cable car at tiningnan ang view ng seoul. Mag gagabi na nun kaya mas naappreciate ko ang ganda nito.

"Ang ganda naman dito." Sabi ko kay Jihoon.

"True." Sabi niya sa akin. Baklang bakla pa din.

"Selca tayo bili!" Sabi ko sa kanya at tinapat sa aming dalawa ang cellphone ko.

"Ay wait pahiram ng kamay mo." Sabi niya sa akin.

"Huh bakit?" Sabi ko pero inabot ko na din yung kamay ko. Hinawakan niya naman yun at inintertwine ang mga daliri namin. Bwisit ka jihoon, alam ko namang bakla ka pero kinikilig ako.

Naglakad lakad kaming magkaholding hands. Nauuna siya minsan kaya pinicturan ko siya na hawak ang kamay ko. Alam ko naman na fake lang yung ginagawa namin. Pero pang ig ko kasi yun. Kung ano ano ang pinag gagawa namin dun. Naglove locks din kami. Magkaiba yung sinulatan naming padlock kaya hindi ko alam kung anong nilagay niya. Habang pauwi kami inaya ko siya sa mga tindahan ng street foods na malapit sa bahay namin.

"Baby anong gusto mo?" Sabi niya kaya nagulat ako. Bigla niya kasi akong tinawag na baby.

"Tteokboki na lang saka soondae." Sabi ko sa kanya. Umorder din siya ng sa kanya at umupo kami sa upuan na nandun. Nagumpisa na din kaming kumain.

"Masarap to baby try mo." Sabi niya sa akin at binigyan ako ng prito na hindi ko alam kung ano. Ngumanga naman ako at sinubuan niya ako.

"Bakit di ka umorder ng tteokboki baby?" Tanong ko namam sa kanya kahit ilang pa rin ako sa tawagan naming baby.

"Eh ayaw ko di ako naeengganyo saka hindi ko pa natitikman yan." Sabi niya naman sa akin.

"Tikman mo lang dali." Sabi ko sa kanya at sinubuan siya.

"Masarap pala to." Sabi niya at nagpatuloy kami sa pagkain tapos hinatid niya ako sa bahay.

Gayhoon|Park JihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon