70

408 19 5
                                    

This is the last chapter 😢
__

Serene's POV

Ilang linggo lang ang lumipas ay ikakasal na kami ni Jimin. Hindi ko alam kung bakit nagmamadali si Daddy. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ito. Kung bakit nakakaya niyang makitang masaktan ang anak niya. Bukas na ang kasal namin ni Jimin.

"Anak I'm sorry, wala akong nagawa." Sabi ni Mommy sa akin pagpasok sa kwarto ko.

"Its okay mommy. Pero pwede ko bang isukat ang gown ko pakiramdam ko po ay pumayat ako?" Tanong ko kay mommy.

"O sige sige dito ka lang at kukuhanin ko ang gown." Sabi ni Mommy at kinuha ang gown ko. I know this is crazy. Sino pa ba ang naniniwala sa pamahiin ngayon. Pero desperado na ako na huwag matuloy ang kasal.

"Eto na anak." Sabi ni Mommy at tinulungan akong magsukat ng gown.

"Kasyang kasya lang anak, bagay na bagay sayo." Sabi ni mommy at naluha siya.

"I'm sorry, alam kong magiging magandang bride ka pero mas magiging maganda ka kung nakangiti ka dahil mahal mo ang taong papakasalan mo." Sabi ni Mommy sa akin.

"Kakayanin ko to mommy." Sabi ko sa kanya at niyakap niya ako.

Ngayon na ang araw ng kasal at inaayusan na ako. Hanggang ngayon hindi pa rin kami naguusap ni Jihoon. Tinulungan na din ako ng mga bridesmaid sa pagbibihis. Dapat talaga ang gayduce ang kukuhanin kong bridesmaid at si Daehwi ang maid of honor. Kaso nga lang mabubuking sila. Nakaupo na ako at naghihintay ng may kumatok sa pinto. Nakita ko naman na si Mommy iyon.

"Eto na ang boquet mo anak." Sabi niya at inabot ang boquet sa akin. May nakita naman akong nakaipit doon.

"Ito lang ang nakaya kong gawin na hindi malalaman ng daddy mo. At least magkita man lang kayo bago ka maikasal." Sabi ni mommy sa akin at iniwan na ako. Letter iyon at mukhang galing kay Jihoon.

Serene,
Baby I'm sorry dahil wala akong nagawa. Pinilit ko namin ni Jimin hyung na huwag na lang kayong maikasal. Pero wala kaming nagawa. Ang sakit sakit baby. At hindi ko alam kung bakit aattend pa ako ng kasal mo kahit alam kong masasaktan lang ako. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at ipaglalaban kita kahit you and me against the world pa ang peg natin. Ngayon baby, buksan mo ang pinto nandito lang ako sa labas at hinihintay na pagbuksan mo ako.

-Jihoon

Dali dali ko namang binuksan ang pinto at nakita ko siya doon. Niyakap ko siya at iyak kami ng iyak pareho. Hindi man magiging happy ang ending naming dalawa, alam kong habangbuhay naming mamahalin ang isa't isa.

"I love you baby. Forever ka na dito sa puso ko." Sabi niya sa akin.

"I love you too baby." Sagot ko naman sa kanya. Narinig ko naman na paakyat na sina daddy dahil maguumpisa na ang kasal kaya naghiwalay na kami ni Jihoon at pumasok na ulit ako sa kwarto. Buti na lang waterproof ang makeup ko kaya konting retouch lang ayos na ulit.

Nakakawit ang dalawang braso ko kela mommy at daddy. Naglalakad na ako sa aisle. Ito na iyon wala ng atrasan pa. Nakita ko naman si Jihoon na Best Man ng kuya niya. Malungkot kaming ngumiti sa isa't isa. Kung hindi man magiging kami sa lifetime na ito. Sana sa susunod na lifetime hindi na mahirap ang pagdadaanan namin at sa lifetime na iyon masaya na kaming mabubuhay habangbuhay.

"Bago ko umpisahan ang kasalan ito, may gusto bang tumutol sa kasalang ito?" Tanong ng pari. Tahimik ang simbahan at mukhang walang tututol. Nagkatinginan naman kami ni Jimin at malungkot na ngumiti sa isa't isa.

Gayhoon|Park JihoonWhere stories live. Discover now