50

508 23 3
                                    

Jihoon's POV

Tumalikod ako kahit muntanga kasi sumunod ako kay Serene. Pagtalikod ko nagulat ako na nandun siya at nakangiting aso sa akin.

(Like this daw^😂😂)

"Hi Jihoon!" Masiglang sabi niya sa akin. Nginitian ko na lang siya.

"Epal mo talaga pati sa personal snob ka." Iritang sabi niya sa akin.

"Ngumiti na nga ako eh." Ganti ko naman sa kanya. Umirap naman siya. Aba ako dapat ang umiirap nakakaloka talaga tong bilat na to.

"Anyway tara sa cafeteria, pagusapan natin ang mga dapat gawin." Sabi niya at nagpauna na. Aba talaga namang may attitude ang bilat na to.

"So anong gagawin natin?" Tanong ko sa kanya pagkaupo namin.

"Sa ngayon kailangan lagi tayong magkasabay, kumain, o hihintayin mo ako pag papasok ako sa school at ihahatid mo ako sa sasakyan pauwi. Pwede din naman akong mag adjust at sumabay sa barkada niyo kung naiilang ka." Paliwanag niya sa akin. Malandi ka talaga. Gusto mo pa kasama ang produce 101.

"Pwede namang magkasama tayo sa recess tapos sa lunch ka na lang sumabay sa barkada." Suggest ko.

"Pwede din." Pag sangayon niya.

"Pero mukhang kailangan mo ng dumistansya kay daehwi at sa iba pang boys." Sabi ko sa kanya. May maganda din palang maidudulot ito. Mailalayo ko siya kay Bby Samuel ko.

Gayhoon|Park JihoonWhere stories live. Discover now